Chapter 15

58 4 13
                                    

"Maghiwalay na tayo. Let's have an annulment."


Hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko. Kahit na ako yung nagsabi na maghiwalay na kami, masakit pa rin para saakin.


"Buti naman," sabi niya na parang matagal na niya itong hinihintay. 


"P-papayag ka?" Tanong ko.


"Bakit naman hindi? Matagal ko ng hinintay na maghiwalay tayo," sabi niya tsaka ako nilagpasan. 


Mas lalo akong naiyak dahil sa sagot niyang iyon dahil umasa ako eh. Umasa akong may nararamdaman na rin siya saakin. Gusto ko lang naman maconfirm kung pinapahalagaan niya itong marriage namin katulad ng pagpapahalaga ko eh. Hindi ko naman aakalain na papayag agad siya na makipaghiwalay saakin, na mawawala ako sakanya. 


"K-kenzo," tawag ko sakanya at niyakap siya mula sa likuran. "W-wag. Please. Wag."


Umiyak ako nang umiyak sa likuran niya at mas hinigpitan yung pagkakayakap sakanya habang tinatanggal niya yung yakap ko sakanya. 


"Eleanor. Eleanor," malumanay niyang tawag saakin. Bakit hinahon niya sa ganitong sitwasyon?! Ganun ba talaga siya walang kapake kaya ang dali lang niyang itapon ito?! "Eleanor."


Napadilat nalang ako sa huling tawag niya saakin at doon, bumungad saakin ang mukha niyang nag-aalala at nagtataka. 


"Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. 


May biglang kumawalang isang butil ng luha sa mata ko at pinunasan naman niya iyon gamit ang thumb niya. 


"I.." Para akong napipe at litong lito sa nangyayari. Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa kwarto ko na kami. 


So, hindi totoo yung nangyari kanina? Hindi kami maghihiwalay? Bangungot lang ba yun?


"Hey? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Is there something wrong?" Nag-aalala niya pa rin tanong kaya bumalik yung tingin ko sakanya. 


"B-bakit ka andito?" Nanginginig kong tanong sakanya.


Pero bago pa man siya nakasagot ay biglang bumukas yung pinto. 


"Elle, andito ka ba--" 


Sabay kaming napatingin ni Kenzo sa pinto at nakita namin sila mommy at mama na gulat na nakatingin saamin ngayon.


"Ma!" "Mommy!" Sabay naming sigaw ni Kenzo. Napatayo agad ko sa higaan kaya bigla akong nahilo pero nasalo naman agad ako ni Kenzo. 


"A-anong nangyayari dito?" Nauutal na tanong ni mommy na nanlalaki pa rin yung mga mata sa gulat habang nakatingin saamin.


"Nagkaayos na ba kayo? Please tell me nagkaayos na kayo," sabi naman ni mama na pinagdikit pa yung dalawang palad niya na parang nagdadasal.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now