Chapter 27

14 0 0
                                    

"Saan ka pupunta?"


Nagtatakang sinundan ako ng tingin ni Kenzo pagkapasok ko ng dinning room dahil nakapangformal akong soot.


"Job interview. May tumawag na saakin, tatlo pa," excited na sabi ko tsaka umupo sa tapat niya.


Pagkauwi na pagkauwi namin ng Boracay ay nagdoble sikap talaga akong maghanap ng trabaho sa online, para naman hindi na ako tambay dito sa bahay noh. Ilang failed attempts na rin yung nangyari kaya sana talaga makuha na ako dito.


Ngumiti naman siya. "Congrats, hon."


"Shh. Wag mo i-jinks. Wala pa," sabi ko.


Tumawa siya nang konti tsaka ininom yung kape niya bago magsalita ulit. "Saan ba yan? Hatid na kita."


Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko na ito, kasama ko naman si Marcus eh."


Bigla naman kumunot yung noo niya. "Bakit mo kasama si Marcus?"


"Nag-apply din kasi siya sa isang hospital katulad nung akin, kaya sabay na kami. Tapos dun sa dalawa naman ay ako nalang mag-isa," paliwanag ko.


"Sure kang okay ka lang na mag-isa?" Tanong ni Kenzo.


"Yes po," sabi ko at kumain na ng umagahan.


Mas naunang umalis si Kenzo dahil malalate na siya sa trabaho niya at hinihintay ko pang dumating si Marcus. Pagkarating naman ni Marcus ay lumarga na kami.


Sobrang kinakabahan naman ako sa magiging job interview namin. Paano kung hindi ako makapasa? Paano kung, kung ano ano ang masabi ko doon o mabulol ako? Paano kung hindi pala fit yung credentials na meron ako sa hinahanap nila? Ilan lang yan sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko habang papunta kami doon. Ilang beses ko pa ngang chinecheck kung complete ba yung requirements ko eh.


"Huy. Konti nalang ay tumalon ka habang nakaupo sa panginginig mo," sabi ni Marcus sabay tawa tsaka lumapit saakin para bumulong. "Gusto mo bang hawakan ko yung kamay ko para mawala yang panginginig mo?"


"Luh? Baliw ka ba?" Tanong ko.


Tumawa naman siya. "Hahaha. Kaya magrelax ka lang dyan kung ayaw mong hawakan ko yung kamay mo."


"Ewan ko sayo," sabi ko at parehas nalang kaming natawa. "Nakakakaba kaya. Parang lahat ng nireview ko kagabi ay nawala lahat eh."


"Nagreview ka? For sure makukuha ka na nyan. Ako nga hindi nagreview eh, kailangan pala magreview?" Nagtatakang tanong pa ni Marcus.


"Tangeks. Syempre kailangan magreview noh. Pang-ilang job interview mo na ba ito?" Tanong ko sakanya dahil mukhang baguhan palang talaga siya dahil hindi niya alam yung gagawin.


"Una palang hehe," sabi niya.


"Kaya naman pala." Napailing nalang ako tsaka tumawa ng konti. Kinwentuhan pa niya ako ng kung ano-ano habang hinihintay namin yung turn namin sa interview.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now