Chapter 1

250 12 119
                                    

"Elle, this is Kenzo. And Kenzo, this is Elle."


Pinakilala na kami sa isa't isa nung lalaking nakasabay ko sa pagpasok dito sa restaurant. Siya pala yung lalaking anak nung friend ni daddy. As expected, Chinese din sila.


Ang gwapo ah. Mukhang mapapapayag na ako sa arrange marriage na ito, chos.


Ngumiti ako sakanya pero tumango lang siya saakin nang konti tsaka umiwas nang tingin kaya parang napahiya ako doon at unti unting nawala yung ngiti sa labi ko.


Awkward na tumawa yung babaeng kasama niya. I think it's his mom. "Ah haha, nagkakahiyaan pa. Why don't we start eating? The food is getting cold."


Nagkwentuhan na sila mommy at Tita Marg in chinese kaya hindi rin ako masyadong nakakasunod, nakakaintindi naman ako ng slight lalo na pag interested ako sa pinag-uusapan. 


Habang kumukuha na kami ng pagkain, napansin ko kung paano inabot ni Kenzo yung bowl of rice sa mom niya at pinauna niya ito kumuha kesa sakanya. Napansin ko rin na nilagyan pa niya muna siya ng tubig sa baso ng mom niya kesa sa sarili niya. Medyo napangiti ako doon sa mga simple gesture niyang yun at tahimik na kumain dito habang nag-uusap yung mga matatanda.


Napatingin ulit ako dun sa mommy ni Kenzo at hindi maiwasang hindi mamangha sa itsura niya, mukhang magkasing age lang sila nila mommy dahil mukhang matagal na silang magkakaibigan pero parang bata pa rin yung itsura nung mom ni Kenzo.


Tsaka, teka, parang familiar siya. I've seen her before eh, hindi ko lang matandaan kung saan.


"Oh please. I know you miss the spotlight, Marg. Baka magulat nalang kami nasa t.v. ka na ulit," sabi ni mommy.


"Omg." Nasabi ko nalang nung napagtanto ko kung sino siya kaya lahat sila napatingin saakin. "You're Margaret Tan? Yung sikat na actress na namatayan ng boyfriend na sikat din noon at may-ari na ng isa sa mga sikat na cosmetic line ngayon?"


"Eleanor," bawal saakin ni mommy at doon ko lang nakakainsulto yung sinabi.


"No, it's okay. And yes, I'm Margaret pero hindi na ako Tan ngayon dahil nagpakasal na ako kaya Margaret Aguirre na ako," she explained and an 'o' formed on my mouth. "I'm surprised that you know me. Hindi ka pa nga ata buhay nung kasikatan ko eh haha."


"Buhay na po haha, mga bata palang po siguro ako nun. I'm also a fan of your cosmetic line at finofollow ko po yung page niyo sa iba't ibang social media platforms, eh may mga fans po na mga videos niyo about you. Grabe, parang hindi po kayo tumanda," sabi ko ng walang halong pambobola kasi ang ganda talaga niya.


"Hahaha. Thank you. Ikaw rin naman, iha, maganda," sabi niya kaya bigla akong nahiya.


"Hindi naman po." Pasimple kong inipit sa likod ng tenga ko yung buhok na nakaharang sa mukha ko pero nung napatingin kay Kenzo na nakatingin din saakin ngayon ay bigla akong umayos nang upo.


Yung tingin ba naman niya ay parang jinujudge na niya yung buong pagkatao ko. Bawal na bang maflattered ngayon? Amp.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now