Chapter 19

24 2 8
                                    

"Elle. Ikaw kay room six, seven, and eight."


Tumango naman ako habang nililista yung mga gagawin sa mga nakaassigned saaking pasyente.


Sa ICU ang duty ko ngayon and yung mga pasyente dito ay double or triple yung care and supervision na kailangan compare sa mga nasa ward. Kaya nga kinakabahan ako eh dahil dito rin madalas may mag code or yung mga namamatay at kailangang iresuscitate.


"Ms. Chua. Sayo si patient seven, diba?" Tanong ng C.I. namin ngayon.


Tumango naman ako at napatigil sa pagsusulat ng chart. "Yes po, ma'am."


"NaCBG mo na?" Tanong niya at tumango naman ako. "Good. Prepare mo na siya for feeding. OF yan diba?"


Tumango ulit ako at ginawa na agad yung pinapagawa ni ma'am dahil oras na rin kasi para sa feeding nila eh.


Natapos yung duty namin na masakit yung katawan ko dahil parang ang dami namin nagawa, yung tipong hindi na kami nakakaupo. Dinaig pa ata namin yung nasa ER, feel ko sumabak kami sa gera eh.


"Bye. Ingat kayo sa pag-uwi ah!" Bilin ni ma'am tsaka naglakad na paalis pagkababa namin ng elevator.


"Hay, kapagod," sabi ni Dani.


Nagiistretch ako ng braso ko habang naglalakad palabas ng hospital nang mapatingin ako sa side at may isang pamilyar na tao na nakakuha ng atensyon ko.


Si mama ba yun?


Kumunot yung noo ko at susundan na sana yung taong parang kamukha ni mama.


"Uy, Elle. San ka pupunta?" Tanong ni Dani kaya napatingin ako sakanya. Binalik ko ulit yung tingin ko sa direksyon kung saan pumunta yung taong iyon pero wala na siya.


Guni-guni ko lang ba yun?


Natigilan ako sa pag-iisip ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ng uniform ko.


From: Mister Engineer💍

Uwian niyo na?


Agad akong napangiti at nagreply sakanya agad. Naglakad na rin ako pabalik kila Dani at sa iba pa naming mga kagrupo habang nakatingin pa sa phone ko.


"Nagbakasyon lang, may nagsusundo na." Mahina akong hinampas ni Dani nung narinig ko yung sinabi niya sabay tawa.


Nagtaka naman ako tumingin sakanya tsaka tiningnan yung tinuturo niya at nakita si Kenzo na naghihintay sa gilid. Napangiti naman ako kaagad. Hindi ko kasi expect na susunduin niya ako dahil may trabaho siya.


Mukhang naramdaman naman niya yung presensya namin kaya napatingin siya sa direksyon namin mula sa pagkakatingin niya sa phone niya. Agad siyang ngumiti sabay kaway saamin.

Chained To You (Fate Series #4)Where stories live. Discover now