ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 36 🌹

79 36 0
                                    


JAZER'S POV


WALANG katapusan na pakikipag barilan sa mga alagad ni Mr. Rafael, ang pinagkaka- abalahan ko ngayon. Ang mga ito ay walang sawa din na naikikipag palitan sa'kin ng mga bala.

Nasa isang hagdanan kami paakyat, nasa baba ang posisyon ko habang ang mga kalaban ko naman ay nasa itaas.

Hinihingal na ako dahil sa sobrang pagod pero hindi pwedeng huminto hangga't hindi ko pa naililigtas si Ilyza. Binalinga ko nang tingin si Mr. Rafael na nakatali sa isang tabi.

Itinali ko ang mga kamay nito at braso sa sarili nitong katawan saka ko ito itinala sa hawakan nang hagdanan na parang aso, ang bibig din nito ay tinakpan ko dahil kanina pa'ko na iirita sa pagmumura niya.

Ginawa ko ito upang makasigurado na hindi ito makakatakas habang abala ako sa pakikipag barilan. Kung mabaril man siya ay hindi ko na 'yon kasalanan.

Nang mapansin ko ang paghinto nang atake nila mula sa taas ay dali- dali ko agad tinanggal ang pagkakatali ng lubid sa hawakan ng hagdan at hinila si Mr. Rafael paakyat na parang kambing.


" Walk fast or you'll d'ie! "

Singhal sabay yuko upang umilag sa pagbaril ng kalaban. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtira ko pabalik na siyang dahilan upang malagasan ulit sila ng dalawang taohan sa taas.

Galit kong hinila ulit si Mr. Rafael habang abala parin sa pakikipag barilan hanggang sa tatlong tao na lang ang natitirang nakatayo.

Hihingal- hingal ako habang humahakbang paakyat. Dalawang stansa na lang ang at makakarating na rin ako sa huling palapag.

" Tired already? "

Pairap akong nagbaling nang tingin sa lalaking nagsalita sa di kalayuan sa harap ko, nakagisi at pamulsa ito na nakatayo sa harapan ng isang pintuan na sa tingin ko ay palabas na papunta sa rooftop.

Agad kong ikinasa ang baril pero hindi ako nagpaputok at napatingin na lang dito. Napaismid 'yong lalaki bago nagsalita.

" Want some bullets?? "

May halong pang aasar na tanong nito habang ipinapkita sa'kin ang hawak na baril.

Hindi ako sumagot at binalingan lang ang tali na hawak ko na nagdudugtong sa pagkakatali kay Mr. Rafael. Itinali ko ulit ito sa hawakan nang hagdan bago humarap sa natitirang apat na kalaban.


" Torture him "

Nakangising utos nito sa tatlong lalaki  na nasa likuran niya. Sumugod nang naka ngisi rin ang tatlo sa'kin pero bago paman makalapit ang dalawa ay agad ko na itong pinaputokan sa magkabilang tuhod.


" AAAUGH!! "

" AAAAAHHHCK!!! "


Pasigaw na daing nong dalawa na sabay din sa pagkakatumba nang paluhod. Gulat na gulat ang mukha ngayon nong dalawang natira. Napaatrass 'yong isa pabalik sa tabi nong lalaking kumuha kay, Ilyza.


" Funny to think, that you're not wise enough--- "

Hindi ko naituloy ang sasabihin nang bigla niya akong paputokan dahilan para mapailag ako at paputokan rin siya. Nagtago sa isang maliit na porte na sakto lang ang lapad.

Meron itong nakapatong na vase dahilan para magawa ko pa'ng sumilip sa pwesto nila. Napatingin ako sa pwesto ni Mr. Rafael sa bandang gilid ko na ngayon ay nakaupo na sa may gilid ng hagdanan habang nakapikit at yuko.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now