ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 5 🌹..

112 62 10
                                    


*****************
KINABUKASAN


JAZER'S POV


" 8:48 am "

MAAGA ulit akong umalis sa hotel para mag ikot ikot, nagbabaka sakaling makita si Ms. Hazel o di kaya si Iyesha. Ang tanging bitbit ko lang ay ang kamera at pera ko.

Kapag meron akong nadaan na pwedeng kuhanan ng litrato ay agad akong kumukuha ng magandang pwesto para maganda din ang kakalabasan ng mga kuha ko.

Marami rami din ang nakuha kong litrato habang nagiikot. Napahinto ako sa isang pamilihan na puro chilli powder, naisipan kong kuhanan yun ng litrato dahil namangha ako sa ibat ibang kulay nito.

Pagkatapos ay nagsimula na ulit akong maglakad ng pumasok sa ilong ko ang maanghang na amoy ng mga yun. Nakaramdam ako ng gutom kaya napag disisyonan kong bumalik na muna sa hotel para kumain ng umagahan.

Habang naglalakad ay abala din ako sa pagtingin ng mga litratong kuha ko kanina.

" Mài yàk pài! Mài yàk pài!  Ôy! Chûay dûay! "

( I'm not going! I'm not going! Ouch! Help me! )

Napahinto ako at napa kunot ang noo ng marinig ang boses ng isang babae sa pagsasalita ng tagalog. Narinig ko ito mula sa kabilang iskinita.

" Ano ba~~ masakit po kaya! bitawan niyo na 'ko plea~~~se huhu~~ "

" Bilisan niyo! ano ba?! "

Lalong kumunot ang noo ko ng boses naman ng isang lalake ang narinig kong magtagalog.

" 'Wag kana kasing pumalag! "

At may Isa pa...

" Ayaw ko nga ih~~ bala ka jan! "

Humakbang pa 'ko ng ilang beses para masilip kong anong nangyayari.

Mabilis akong napatago ulit sa isang pader ng makita ko ang dalawang lalake na may hawak pang malalaking baril habang hinihila ang isang babae.

" Tsk! Mga mukha pa lang, halatang sindikato na "

Sa isip isip ko.





( 34_days_ left... )


" Ayaw ko nga po sumama!.. Huhu~~ "


Muli akong sumilip ng marinig ulit ang pamilyar na boses nayun. At laking gulat ko nalang ng mapagtanto kong tama nga ako sa hinala ko.

" Si Iyesha nga! "

Naka kapit siya ngayon sa isang poste habang pilit naman siyang inaalis dun ng mga lalaking may armas. Bumalik ako sa pagkakatago sa pader at mariing napa pikit habang pinuproseso ng utak ko kung ano ba dapat ang tamang gawin.

" Malas naman oh! kung kaylan wala akong dalang armas ngayon, saka pa nagka ganito! haisst! "

Iginaya ko ang paningin sa paligid para maghanap ng bagay na pwedeng ibato sa mga lalakeng 'yun at sakto namang may nakita akong mga bato na nakatambak sa isang gilid.

Dali dali akong lumapit do'n at dumampot ng dalawang bato na sakto lang ang bigat at laki para maibato ko, saka muling sinilip ang dereksyon nila Iyesha. nakasimangot siya at paulit ulit na umiiling habang kapit na kapit parin doon sa poste.

'Yung dalawang lalake naman ay naka pamewang na lang habang naka tingin kay Iyesha na ani mo'y sumuko na sa pagpilit sa kanya na sumama sa kanila.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now