ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 9 🌹

78 57 0
                                    


( DAY_33 )


JAZER'S POV


' 10: 34 am '


INAYOS ko ang tuwalyang nakatakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko bago ako nagpatuyo ng buhok gamit ang maliit na tuwalyang pamunas.


Kasabay nun ay ang paglalakad ko papunta ng lababo at humarap sa salamin. Saglit kong tinitigan ang sarili bago nagbuntong hininga. kakatapos ko lang maligo kaya basang basa pa ang buhok ko.

Isinukbit kona muna ang maliit na tuwalya sa leeg ko saka ako nag sipilyo. Habang nagsisipilyo ay narinig ko ang biglang pagtunog ng doorbell.


Napahinto ako sa pagmumog at iniluwa ang tubig na nasa bunganga ko ng marinig yun. Kunot noo akong napatuwid ng tayo habang iniisip kung may tinawagan ba akong facility worker kanina.


" Sa pagkaka alala ko ay wala naman"


Napa iling na lang ako sa sariling naisip at nagsimula nang maglakad para tahakin at buksan ang pinto.


" Jazer!!! "

Awtomatikong namilog ang mga mata ko ng masiglang bumungad sakin si Iyesha pagkabukas ko ng pinto. mabilis itong pumasok sa loob nitong kwarto ko at tumakbo papunta sa kama.


Ako naman ay wala parin sa ulirat dahil sa gulat at nanatili parin sa pagkakatayo dito habang hawak-hawak parin ang pihitan ng pinto.


" Anak ka ng kabote "


" Jazer! anong almusal mo?! "


Kumunot ang noo ko sabay sara ng pinto, naglakad ako papunta sa gawi niya at nakita ko na naman siyang tumatalon sa kama.


" Why are you here? It's too early "

Kunot noong tanong ko dahilan para huminto siya at tumingin sa'kin.
Nawala ang ngiti niya ng maibaba ang tingin sa katawan ko.


" Pag ito sumigaw ulit? itatali ko na 'to "


Tumalon siya pababa ng kama habang nasa katawan ko lang naka tingin, at di ko inaasahan 'yun.


" Hala, totoo ba 'yan "

Usal niya sabay sundot ng isa sa mga abs ko.


" Yes... I have abs "

Sa isip isip na pag mamayabang ko. Inismira ko siya dahilan para i-angat nito 'ang tingin sa'kin.


" Ngayong nahawakan mo na... ano sa tingin mo? "

Sarkastikong tanong ko sa kanya pabalik.


" Hmmp! parang hindi naman totoo "

Naka ngiwing ani niya habang naka tingin ulit sa ' ABS ' ko.


" Ano?! totoo kaya 'yan, ano sa tingin mo--- naka suit lang Ako? "

Naiinis na asik ko sa kanya.

" Hindi ko kilala ang suit---saka hindi talaga 'yan totoo kasi matigas "

Parang bata na sabi niya sa'kin sabay cross arms habang sa ' ABS ' ko parin naka tingin na para bang inuusisa ito.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now