ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 6 🌹

95 59 3
                                    


" 12: 00 "


Jazer's POV


ANDITO ako ngayon sa loob ng banyo nagpapalit ng damit, si Iyesha naman ay di na umalis sa ibabaw ng kama at sige parin sa pagtalon. Inaaliw ang sarili habang hinihintay ang pagkain.


" Pakiramdam ko ay may pamangkin akong na-isama dito sa Thailand, na napakalikot "


Napahinto ako sa akmang pagsusuot ng damit pang itaas nang may marinig akong kalabog mula sa labas nitong banyo.

Kaya naman dali akong lumabas ng kwarto para tignan si Iyesha dahil baka nalaglag na ito sa kama kakatalon niya.

Napahinto ako at agad na inilibot ang tingin sa buong kwarto nang mapansin kong nawala siya.

" Iyesha? "

Buong pagtataka na tawag ko sa pangalan niya. Nagsimula akong humakbang palapit sa kama para tignan ang kabilang espasyo nito.

Kunot noo naman akong napahinto sa paghakbang nang makita siyang nakahiga do'n sa sahig at balisang naka tingin sa kisame.

" Ayos ka lang? "

Sambit ko dahilan para mapatingin siya sakin.

" Ahhhhhh!!!! "


Napa atras ako nang bigla siyang sumigaw, dali dali siyang tumayo sabay takip ng mukha niya at agad na tumalikod. Kunot noo naman akong tumingin sa katawan ko.


" Naka shorts naman ako ah, anong problema dun? "


" Bakit wala ka'ng damit pang itaas?! "

Bulyaw niya dahilan para umarko pataas ang isang kilay ko.


" Ano naman? "

Nagtataka na tugon ko sabay cross arms.

" Ano'ng, ano naman?! P'wede ba magdamit ka! kadiri! "

Napangiwi ako dahil sa sinabi nito na ani mo'y kulang ipagtabuyan ako sa labas nitong mismong tinutuluyan ko.


" Kadiri-- "

Hindi ko naituloy ang pagsasalita nang biglang tumunog ang doorbell. Napalingon ako sa may pinto bago nagsimulang maglakad para buksan 'ito.

Bumungad sakin ang isang facility worker habang hawak ang isang rolling tray na may mga pagkain sa ibabaw, ngumiti siya sakin bago tuluyang itinulak ang tray papasok dito sa loob ng kwarto.

Tinulungan ko siyang ilipat sa mesa ang mga pagkain, nabaling naman ang tingin ko kay Iyesha na parang lumulutang parin at hindi alam ang mga nangyayari.


" Andito na 'yung mga pagakin mo. Ano pang tinatayo tayo mo dyan? "

Kunot noong tanong ko. Muli kong binalingan ng tingin yung fw saka nagpasalamat katulad nang lagi nilang ginagawa bago ito tuluyang naglakad palabas.

Matapos kong isara ang pinto ay naglakad na ako pabalik sa mesa at saka umupo at nagsimulang kumain.


" Kung hindi ka patalon talon dyan sa kama kanina. Hindi ka magkaka ganyan "


Saad ko sabay subo ng pagkain at binalingan siya ng tingin.

Bahagya siyang napakamot sa sintido niya bago nagsimulang maglakad palapit dito sa mesa at umupo sa kaharap kong upuan. Iniabot ko sa kanya ang pagkaing hiningi niya kanina.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now