ℙ𝕣𝕠𝕝𝕠𝕘𝕦𝕖 🌹,

353 74 29
                                    

A/n : This is my first posting here and sharing my work so hoping ako na magustohan niyo. And I also want to tell you guys that this is unedited, so be ready for the errors that you might encounter.

I'll fix it soon ...

Ps. Actually edited na talaga to sa ibang platforms so e copy ko nalang siya dito para iwas hassle.

----🌹

Chimon Wachirawit
As your
Jazer Nash Calve

Chimon WachirawitAs yourJazer Nash Calve

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


⚘ PROLOGUE ⚘




JAZER'S POV

LUMALAKAS na ng bahagya ang ulan, pero nandito pa rin ako sa gilid ng isang eskinita, naka upo habang saklob- saklob ang isang malapad na karton bilang panangga sa ulan. Dumidilim na rin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang katransaksyon ko.

" I've already wasted my one hour sitting here, dealing with these damn mosquitoes! "

Sa isip - isip na pagrereklamo ko habang panay pa rin ang paghampas sa sariling balikat at binti, dahil sa patuloy na pagkagat sa 'kin ng mga lamok . Napahinto ako nang tumunog ang lata sa harap ng paanan ko. Nakita kong may ini - itsang papel doon kasabay ng mga barya kaya bahagya akong napa angat nang tingin sa isang pigura ng lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. May hawak itong itim na payong, nakasuot ng itim na sumbrero at mahabang itim na coat. Sa ibang direksyon ito nakatingin kaya naman muli kong ibinaling ang atensyon sa lata upang tingnan ang loob nito.

" Limang linggo "

Malalim na pagsambit nito, dahilan para muli akong mag angat nang tingin. Bahagya kong na isingkit ang mga mata upang pakatitigan ng mabuti ang mukha nito. Hindi ko naman 'yun gaanong makita dahil madilim na ang paligid at bahagya pa itong natatakpan ng suot niyang sumbrero.

" How much? " Pormal na tanong ko habang dinudukot ang isang naka kuyumos na papel sa loob nitong lata.

" Ten milyon, to catch one person. " Napaismid ako dahil sa narinig at agad na inihinto ang akmang pagbubuklat sa papel na hawak. Umayos ako sa pagkakaupo at saka siya diretsyong tinignan.

" Tell me you're just joking? " Natatawa na tanong ko kasunod ng muli kong pagtuon nang pansin sa hawak na papel bago ito tuluyang binuklat. " A picture of a woman. "

" Ten million bounty? " Nakangiwing tanong ko. " Just to catch this woman? " Dugtong ko pa kasabay nang muling pag ismid at pag kunot ng noo. Hindi naman ito tumugon at napa buntong hininga na lang ng bahagya bago tumingin sa 'kin.

" Yes... at wala kang ibang gagawin kundi ang maiharap siya kay boss, as soon as possible. " Seryosong sambit nito bago tumingin sa ibang direksyon. " Mahigpit na ibinilin ni boss ang ipaalam sa 'yo na hindi mo p'wedeng saktan ang babaeng na sa litrato na 'yan. Ang gagawin mo lang ay ang matunton ito at iharap sa'min ng walang kahit na anong galos sa katawan. "

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now