ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 10 🌹

79 55 7
                                    


Jazer's POV

NA-ILIGAW na namin nang tuluyan ang mga humahabol samin. Sinundan ko lang nang sinundan si Iyesha, hangang sa naging pamilyar na sakin ang iskinitang dinadaanan namin.

" Malapit na tayo sa'min " ani niya.

" Kanina pa ako naninibago sa mga ikinikilos niya, pati tuno nang pananalita nito ay nagbago rin... "

Mariin akong napapikit at agad na huminto nang maramdaman ulit ang pag kirot ng sugat ko. Napansin yun ni Iyesha dahilan para lumingon ito sa'kin.

Napakunot ang noo ko nang makitang punitin nito ang pang ibabang bahagi ng damit na suot niya na naging rason para bahagayang lumantad ang tyan nito.

Lumapit siya sa'kin at itinali ang kaperasong tela ng damit niya sa braso kong may sugat dahilan para mas lalo akong mapadaing.

" Ahhk... Can you just tell me if you're mad at me or what, hindi yung idadaan mo sa pananakit . tsk! " inis na sambit ko.

Saglit niya lang akong tinapunan nang tingin bago nito higpitan lalo ang pagkaka tali ng tela sa braso ko.

" Aray ko! ang kulit masakit nga! " asik ko sa kanya.

" Sa laki at bigat niyang bag na dala-dala mo, natural lang na kikirot ulit yang sugat mo " pagtataray pa nito sabay talikod sa'kin at nagsimula ulit sa paglalakad.

" Haaays!... Kung di lang to iyakin, kanina pa'to naka tikim sakin " inis akong napabuntong hininga dahil sa naisip at umiling na lang saka siya sinundan.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa tinutuluyan nila. May isang lalake na nakangiting kumaway sa kanya at sinalubong ito, may sinabi sa kanya si Iyesha pero dahil malayo pa ako sa kinatatayuan nila hindi ko narinig kung ano 'yun.

Nakita kong nilagpasan na ni Iyesha ang lalake na yun, at tumingin ito sa'kin. Agad itong lumapit sa kinaruruonan ko.

" Tara, gamutin natin 'yan " pormal na bungad niya sabay alalay sa'kin.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agad niya akong ipinasok sa isang kwarto na may katamtaman lang ang laki.

" Kukuha lang ako ng mga gamit " ani niya saka ito lumabas ng pinto.

Inalis ko ang pagkaka sukbit ng bag sa balikat ko at saka inilibot ang tingin sa kwartong 'to. Tanging kwarto lang ang narito, may isang unan at kumot na maayos ang pagkaka tupi sa ibabaw ng isang unan.

Tangin 'yun lang ang gamit na naro'n. Nabalik ang tingin ko sa may pinto nang muling bumalik ang lalake na kasama pa si Ms. Hazel. sobrang ikinagulat ko 'yun kahit pa alam kong dito rin siya nakatira.

" Anong nangyari? " pormal at seryosong tanong nito habang magka kross ang dalawang braso.

" Wala naman gaano... Napaulanan lang ng bala ang hotel na tinutuluyan ko " saad ko habang pinipilit ang sariling 'wag dumaing sa harap niya.

" Siguro ay nasundan si Iyesha ng mga taong gustong kumuha sa kanya nung nakaraan " dugtong ko saka ibinaling sa ibang dereksyon ang tingin.

Hindi ko narinig ang pagtugon niya kaya hindi narin ako nagsalita. Mga ilang sigundo rin ang lumipas bago tuluyang matapos ang pag gagamot nung lalake sa'kin.

-----

" Pow nga pala..." nakangiting pagpapakilala niya sakin.

Nginitian ko naman siya pabalik at akmang magsasalita nang unahan niya ako.

" Jazer tama? " tanong niya na bahagya pang naka turo sa'kin habang naka ngiti na tinanguan ko lang bilang tugon.

" Kinu-kwento ka kasi ni Iyesha sa'kin simula pa nung linggo " natatawang saad niya saka iniligpit ang mga ginamit sa paggamot sa sugat ko.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin