ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 13 🌹

72 45 0
                                    

Hazel's POV

" Hachoo! "

" Mm " abot ko ng gamot kay Ilyza.

" Thanks, ate " tugon niya habang humihingos hingos parin.


UMUPO ako sa tabi nito bago suklayan ng marahan ang kanyang mahabang buhok. Balot na balot si Ilyza ng kumot habang umiinom ng gamot. Kanina ay nagulat talaga ako nang makita silang dalawa ni Jazer na basang- basá.

Nagtaka pa ako dahil parang nagkaka ilangan sila sa isat isa, ni hindi nga ako napansin nang mga ito at basta basta lang na pumasok dito sa loob nang bahay na ani mo'y isa lang akong kahoy na naka harang sa dada'nan nila.

Dahil sa ikinilos nilang yun nakaka siguro akong may nangyari kanina sa dalawang 'to.

" Ilyza ... "

Pagkukuha ko sa atensyon nito.

" May dapat ba akong malaman? "

Pormal na tanong ko, bahagya ko pang sinilip ang mukha niya mula sa likuran nito. Umiling siya sabay lapag ng baso sa ibabaw ng drawer at muling umayos sa pagkakatalokbong.

Pinagmasdan ko siyang maigi, bumuntong hininga ito habang nasa sahig lang nakatingin, maya maya ay itinaas naman nito ang parehong binti at ipinatong sa kama ang mga paa.

Niyakap nito ang sariling hita, Ipinatong ang babā sa tuhod at ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana.

" Kaylangan mo munang magpanggap na si Iyesha sa harap ni Jazer " mahinang usal ko dahilan para maagaw ko ang atensyon niya at agad na lumingon sakin.

" May sipon ka, mahahalata niya ang personalidad mo kapag nalaman niyang pati ikaw ay may sipon din " na ibaba niya ulit sa sahig ang tingin dahilan nang pagbuntong hininga ko.

" Pero kung ok lang naman sayo na malaman niya ang toto-- "

" Hindi ate "

Putol niya sa sinasabi ko at saka ito tumingin nang deretsyo sa'kin.

" Ayos lang sa'kin na mag panggap "

Pilit ko siyang nginitian, nalulungkot ako para sa kapatid ko dahil wala akong magawa para matulungan siya.

Maraming paraan oo, maraming paraan upang gumaling siya, pero sa sitwasyon namin ngayon, masyado pang kumplikado.


" Hayaan mo... bukas na bukas ay pa'aalisin na natin siya dito "

Nakangiting sambit ko sabay ayos ng buhok niya, tumungo ulit ito dahilan para mapakunot ang noo ko.

" Bakit? napalapit na rin ba ang loob mo sa kanya? "

Gulat niyang naibaling sa'kin ang tingin sabay iling.

" Hindi sa gano'n ate "

" Ano, kung gano'n? "


" Na isip ko lang pag nag palit ulit kami ng kataohan ni Iyesha " malungkot na sambit niya sabay baba ng tingin.

" Baka takasan ka niya para hanapin si Jazer "

kitang kita ko sa ekspresyon ni Ilyza ang sobrang pag-aalala.


Gusto ko mang itanggi ang sinabi niya pero kahit sa'ng anggulo ko tignan ay may punto ang kapatid ko tungkol sa bagay na yun, ilang beses nang ginawa sa'kin ni Iyesha yun kaya hindi imposibleng gawin niya ulit yun.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now