ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 40 🌹

56 30 0
                                    

ONE NIGHT BEFORE THE WEDDING...

ILYZA'S POV

HINDI ko mapigilan ang hindi ma-luha nang makita si ate Hazel, habang sukat- sukat ang napili nitong bridal gown. Nakatalikod pa ito sa'kin dahil katulad ko ay pinagmamasdan din nito ang sarili sa harap ng salamin.

Simple man ang napili nitong gown na suotin ay mukha parin itong magarbo at bagay na bagay sa ate ko. Lalo na't kitang- kita ang kurba at hubog ng katawan ni ate dahil fitted ang gown nito.

 Lalo na't kitang- kita ang kurba at hubog ng katawan ni ate dahil fitted ang gown nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko parin maisip na bukas na ang kasal nila ni kuya Dylan. Kahit hindi ako 'yong ikakasal bukas ay kinakabahan din ako tulad ni ate.

Napa- ayos ako ng upo at mabilis na nagpunas nang mga luha ko sa mata, dahil sa marahan na pagharap ni ate dito sa direksyon ko. Tumayo ako para lapitan siya dahil nakita kong lumuluha din ito.

" Tama ba 'to'ng gagawin 'ko? "

sambit pa nito kasunod ng pag- tungo. Napakunot ako dahil sa sinabi niyang 'yon at kaagad na nagpunas ng mga luha saka siya hinawakan sa magkabilang balikat at silipin ang mukha nito.

" Ate, ano ba'ng pinagsasabi mo? "

Tanong ko dahilan nang pag- angat nang tingin nto sa'kin. Mas lalo itong umiyak kasabay ng mga pag- iling .

" Hindi ko alam, Ilyza. Hindi ko alam kung tama ba ang naging disesyon kong 'to "

Naguguglohan ko itong tinitigan at hindi nakasagot. bahagya niyang tinabig ang mga kamay ko na nakahawak sa balikat niya bago siya naglakad palapit sa sofa na inuupuan ko kanina.

" Ito na naman ako sa pagdadalawang isip ko, Ilyza... Nalilito na 'ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to "

Ipinatong nito ang parehong siko sa tuhod saka isinubsob ang mukha sa sarili niyang mga palad.

" Hindi ko alam kung bakit may nagsasabi sa'kin na 'wag nang ituloy ang kasal "

napabuntong hininga ako bago naglakad at umupo sa tabi nito. Marahan kong hinimas ang likod niya bagoako nag salita.

" Ate... "

Usal ko sa pangalan niya kasunod nang pag ngiti matapos nitong tumingin sa'kin.

" Kinakabahan ka lang... Isang bagay na hindi mo dapat alalahanin. Mahal ka ni kuya, Dylan. Kung ano man 'yang bumaagabag sa'yo... 'wag mo na lang hayaan na lasunin nito ang utak mo "

" Pero-- "

" Ate "

Pagsusuway ko dito. Napabuntong hininga na lang siya at saka napasandal sa inuupuan namin.

" Maganda ba? "

Nakasimangot na tanong niy sakin. Napa- irap ako kunwari sabay tayo at pamewang sa harap niya.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now