ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 22 🌹

65 45 0
                                    

Continuation....


ILYZA'S POV


KANINA pa ako naiilang sa mga pasimpleng titig ni Jazer, sa'kin. Pero hindi ko 'yun ipinapahalata at patuloy parin sa panonood ng palabas habang kumakain ng chitserya.


Nakikita ko ang paglingon nito sa'kin tapos maya maya lang ay titingin na naman sa ibang dereksyon at magbubuntong hininga.


Nagtataka na ako sa mga ikinikilos niya simula pa kanina, para bang ang lalim nang iniisip nito ngayon.


" Kung tutuosin, hindi na 'yon maiiwasan sa kabila nang sitwasyon namin ngayon "


Buti nga at nagagawa pa naming maging kalmado at mag relax na para bang normal lang ang lahat.


Napatigil ako sa pagiisip nang maramdaman kona naman ang pagtitig nito sa'kin kaya hindi na ako nag dalawang isip na kumprontahin siya.


" Alam mo, nakaka ilang kana! "


Asik ko sa kanya na bahagya niya lang ikinatawa. Ibinaba nito ang tingin sa sariling kamay at tinitigan 'yun nang matagal.


" Ano ba kasi iniisip mo? "

Muli siyang tumingin sa'kin nang seryoso na akong magtanong.

" Can I, Can I talk to Iyah, for a minute? "

Tugon nito na ikinagulat ko.


" Tss! Bakit? magpapa- landi ka? "


Naiinis at seryosong sambit ko na muli niyang ikinatawa nang bahagya.


" Heeey, chill. Don't be jealous. Besides, ikaw parin naman ang kasama ko "


May halong pang-aasar pa na sambit nito.


" Tulog ka parin ba? anong selos pinagsasabi mo ?!"


Singhal ko sa kanya dala nang sobrang pagka-inis.


" Tsk! parang 'yun lang, eh... Ang damot "


Bulong pa nito sa huling sinabi na rinig ko rin naman.


" Jazer-- sinasabi ko sayo... ayos-ayusin mo 'yang mga pananalita mo! "


Sambit ko at bahagya pang naka duro sa kanya. Hindi siya tumugon at muli lang bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito bago napa titig sa'kin, dahilan para bigla akong kabahan at mapalunok.


" Hindi ko gusto ang mga titig niyang 'yan... Nakaka- kaba "


" Magagawa mo ba 'kong tulongan sa gusto kong mangyari kung ikaw na lang ? "

Seryosong sambit niya na naka tingin lang sa'kin ng deretsyo. Mas lalo akong kinabahan sa tanong niyang 'yun.

" A-anong... "

Hindi ko magawang ituloy and sasabihin dahil sa bilis nang pagtibok nitong puso ko.


" Mapagbibigyan mo ba 'ko? "


Muling sambit niya sabay baba ng tingin sa labi ko.


" Ano bang pinagsasabi nito? "

Umiwas ako nang tingin at bahagyang umusog palayo sa kanya.

" Ahmm, h-hindi kita maintindihan "

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now