ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 14🌹

58 46 0
                                    

Kinabukasan......



Jazer's POV



" Waaaaa! huhuhu~ "


MABILIS akong napa mulat nang marinig ang malakas na pag iyak nayun ni Iyesha, inilibot ko ang tingin sa buong kisame at naihinto ko din ito sa labas ng bintana, agag naman na napa kunot ang noo ko dahil hindi pa ga'nong maliwanag sa labas.


" Ateehh~ Huhu~ "



Dali dali akong bumalikwas sa kama at lumabas ng pintuan para puntahan si Iyesha sa kwarto niya, hindi man ako ang tinatawag niya pero nagkusa ang katawan kong gumalaw upang puntahan siya at tignan ang kalagayan niya.



" Shhh~ wag kana malikot, lalo kang mahihilo niyan "


Hindi paman ako tuluyang nakalapit sa pintuan ng kwarto ni Iyesha ay narinig kona ang boses ni Ms. Hazel sa loob nito.

Nakita ko naman ang paglabas ni Pow mula roon, habang bitbit ang isang maliit na palanggana saka ito napatingin sa kinatatayuan ko.


" Oh, gising kana pala " nakangiting bati pa nito.


" Anong nangyari kay Iyesha? " nag aalalang tanong ko.


" Ahh, ganyan 'yan kapag nag kakaro'n nang lagnat " natatawang sambit niya.

" Sumilip ka na lang do'n kung gusto mo siyang makita " dugtong nito bago nagsimulang maglakad paalis.


Saglit kong sinundan nang tingin si Pow hanggang sa makaliko na ito papuntang kusina, muli kong ibinalik ang tingin sa gawi ng kwarto ni Iyesha.

Rinig ko parin ang mga paghikbi niya at ang mahinang pag usal ni Ms. Hazel para patahanin ang kapatid mula sa pag iyak, dahan dahan akong humakbang para silipin sila sa loob.


" Atee~~ masakit 'yung ulo ko~ " humihikbing sambit pa ni Iyesha.


" Shhh, itulog mo na lang ulit 'yan "


Nakita kong naka upo si Ms. Hazel kung saan naka pwesto ang ulo ni Iyesha, nakayakap si ito sa bewang ng ate niya habang patuloy parin sa pag iyak, si Ms. Hazel naman ay sinusuklayan ang buhok ni Iyesha gamit ang mga daliri nito.


" Atee~ "


Mas lalong umiyak si Iyesha at kasabay nun ay ang paghigpit nang pagkakayakap nito sa bewang ni Ms. Hazel, nakikita kong dumadaing nga si Iyesha dahil hindi naman siya iiyak nang ganyan kung wala ito sa kanya.


" Just like a little girl crying because of some pain she doesn't understand "

" Iyesha, kaylangan mong matulog ulit para maka pag pahinga ka " mahinahong sambit ni Ms. Hazel na mariin lang inilingan ni Iyesha.


" Mmm! huhu~ nahihilo nga ako atee ih~ " reklamo pa nito na sinundan ulit ng pag iyak.


" Iyesha, aalis pa kami ni Pow para mamalengke, pa'no ako makaka alis nang maaga kung hindi mo pipilitin ang sarili mo na matulog ulit? " na dedismayang sabi pa ni Ms. Hazel.


" Phiesaw Hazel, naka handa na 'yung sasakyan na gagamitin natin "


Napa pitlag ako nang bahagya dahil sa bigla'ng pag sulpot ni Pow sa likuran ko, agad ko namang ibinalik ang tingin sa loob nang kwarto ni Iyesha at nakita kong nakatingin na sila sa gawi namin.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now