ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 23 🌹

73 45 0
                                    


ILYZA'S POV


" Ilyza, It's not what you think--please. Talk to me "


MAPANUYONG sambit ni Jazer mula sa labas nitong pinto ng banyo. Hindi ako sumagot at nanatili paring nakasandal dito sa pinto habang magka krus ang parehong braso at pilit na nag aalis nang inis.


Hindi lang dahil do'n sa nangyari kanina kung bakit ako na iinis sa kanya ngayon, naiinis din ako dahil sa pagplano nitong ilabas si Iyah nang hindi man lang ako tinanong kung papayag ba ako hindi.


" Ilyza, kausapin mona 'ko. I'll explain my self. Please?? "


Nagbaba ako nang tingin sa sahig, nakakapang lambot ng puso ang boses nito na ani mo'y nagsisisi na sa maling ginawa.


" Ilyza, Please... Don't turn your back and ignore me. I hate it "


" Bala siya sa buhay niya. Hindi niya 'ko madadala sa paawa niyang 'yan. "


" Kaya kong matulog dito sa banyo ngayong gabi, para masiguro ang kapakanan ko "



Pabagsak akong nagbuntong hininga nang muli na namang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina.


Nakakasama nang loob, Hindi ko inaasahang gagawin niya 'yun sa'kin para lang lumabas si Iyah at matupad yung pagnanasa niya.


Nakaka dismaya siya, akala ko iba siya sa mga lalaking nakasalamuha ko. Mga walang ibang habol kundi katawan ng babae.



" Gagawa nang kasinungalingan maka eskor lang "



Muli akong nagbuntong hininga bago ako humakbang nang bahagya at maglakad palapit sa isang bintana na sakto lang ang laki.


Sumilip ako dito upang tignan kung kaya ko bang dumaan dito para lumabas.



" Ang taas nang babagsakan ko. 'Wag na nga lang "


Bahagya akong huminga nang malalim dahil sa naisip bago ako napasinghap dahil sa gulat.


Agad akong napa lingon sa likuran ko nang biglang magbukas ang pinto at pumasok si Jazer.


Muli akong binalot ng sobrang inis dahilan para magbago bigla ang ekspresyon ng mukha niya.


Ang kanina'y pormal lang n ekspresyon ay agad na napalitan nang pagsimangot at nanunuyong tingin.


Pati ang mga expresyon niyang ganyan ay nakakapanibago narin para sa'kin dahil hindi naman ito ganyan nung mga nakaraan.



" Anong nakain nito at kung umasta e parang tuta na "



Nagkunot noo ako habang nakatingin dito bago ako magulat nang bigla ako nitong yakapin.




" I'm really sorry "


Mahina at may halong panunuyo na usal niya.


" Wala talaga akong binabalak na gawin. I swear... "


Bahagya akong natawa dahil batid kong naka nguso na naman ito nang bahagya, pero hindi ko ito ipinahalata.


" Dahil baka isipin nito na mabilis lang akong uto-in "


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now