ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 16 🌹

61 45 3
                                    


Hazel's POV



" Jazer, tutulong din ako "

NAPALINGON ako sa gawi ng mesa kung saan nagliligpit ngayon si Jazer ng mga pinagkainan habang si Iyesha ay nanggugulo sa tabi niya dahil sa kagustohan nitong tumulong.

" Ako na "

" Eii~ gusto kita tulungan "

" Ako na nga "

Naibalik ko ang tingin sa mga hinuhugasan kong plato kasabay ng pagngiti ng bahagya at mapa-iling.

" Jazer, naman eh!~ "

" Kaya ko na 'to, Iyesha "

Muli akong napasulyap sa kanila, sobrang kinukulit talaga ni Iyesha si Jazer, dahilan para hindi maiwasang mainis ang binata sa kanya.

" Ako na lang dito "

Ngiting ngiti na sambit ng kapatid ko at akmang kukunin pa ang mga mangkok na pinagpatong patong na ni Jazer. pinigilan ulit siya nito bago magsalita.

" Ako na. Mamaya mahulog mo pa 'to, eh... Mabasag pa "

Napahinto ako sa ginagawa at pinagmasdan na muna ang dalawa.

" Hindi ah~ akin na-- aray! "

Reklamo ng kapatid ko matapos siyang pitikin ni Jazer sa noo saka nito tinawanan ang kapatid ko, na ibalik ko ang tingin sa ginagawa.

Hindi ko alam kung bakit nakita ko si Dylan sa katauhan ni Jazer ng gawin niya 'yun sa kapatid ko, hindi ko itatangging ginagawa nga 'yun ni Dylan sa'kin no'n, hindi lang paminsan minsan kundi araw araw.

" Ate masaya bang mag hugas? "

Napapitlag ako sabay lingon sa bandang gilid ng marinig ang boses ni Iyesha, malawak itong naka ngiti habang naka tingin sakin.

" A-ahm... bakit mo naman na tanong 'yan? " tugon ko sabay iwas ng tingin at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

" Eh nakita ko kasing naka ngiti ka habang nag huhugas hihi, masaya sigurong mag hugas " nakangiting anya sabay tingin sa mga platong hinuhugasan ko.

Hindi ako nakasagot ng sumulpot naman sa kabilang gilid ko si Jazer at inilapag sa gilid ng lababo 'yung mga mangkok at basong pinaggamitan namin kanina.

" Sige na... tulungan niyo na si Pow sa labas " seryosong sambit ko.

" Ei! nakaka pagod kaya do'n " reklamo pa ni Iyesha.

" Dito ka nalang sa ate mo, ako na tutulong sa labas "

Sambit naman ni Jazer dahilan para lingunin ko ito na naglakad palapit sa mesa at dinampot ang cellphone niyang katabi lang din nung sa'kin saka ito nag simula ulit sa paglalakad palabas nitong kusina, tinignan ko naman si Iyesha na naka nguso lang habang sinusundan ng tingin si Jazer.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now