ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 4 🌹

117 63 16
                                    

JAZER'S POV

ANDITO ako ngayon sa labas ng hotel, naglakad pa ako pababa para maghanap ng masasakyan papunta sa bahay ampunan na nasa litrato. May huminto sa harap ko na isang pedicab kaya agad akong pumasok sa loob nun.

" Do you know this place? "

Tanong ko sa driver sabay ipinakita 'yung litrato. Tumango siya saka nag ok sign, ginaya ko yung laging ginagawa ng mga taga rito pag nag papasalamat, nagpapaumanhin at pag bago umalis.

Pinagdikit ko ang dalawang palad ko saka nag bow, tuluyan ng umandar itong pedicab paalis. Habang nasa byahe ay kumukuha din ako ng letrato gamit ang kamera kong naka sukbit sa leeg ko.

" Matutuwa si Mommy pag pinakita ko 'to sa kanya "

Nakangiti ako habang kinukunan ng mga litrato yung mga istatwa ng buda na nadadaanan namin, may mga bata din kumakaway sakin habang naka suot ng traditional attire kaya hindi ako nag dadalawang isip na kuhanan din sila ng litrato, pati rin ang mga nagbebenta ng mga prutas at exotic foods na nakangiti habang nag tatawag ng mga mamimiling torista.

" We're here sir "

Masiglang ani niya sakin habang naka ngiti dahilan para mapangiti din ako. Nagbayad ako bago bumaba, pagkababa ko ay muli agad akong humarap sa kanya.

" Would you mind if I take some pictures of you? "

Nakangiting tanong ko at tumango naman siya sabay peace sigh. Matapos ko siyang kuhanan ng litrato ay nag bow ulit ako habang magka dikit yung dalawang palad, ginawa niya rin yun sabay sabing.

" Khop Khun kha! "

Ngumiti na lang ako sabay kaway sa kanya bago niya pinaandar yung makena at umalis. Humarap ako sa isang daan paakyat sabay buntong hininga bago nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad ay patuloy parin ako sa pagkuha ng litrato. Bahagya akong hiningal matapos kong marating ang bahay ampunan dahil sa taas ng inakyat ko.

" Nakalimutan kong na sa Thailand nga pala ako "

* Children's are chattering *

Agad akong pumwesto para kuhanan ng litrato ang mga batang masaya sa pakikipag habulan. Napahinto ako sa paghahanap ng tyempong maka kuha ng litrato ng mahagapit ko ang isang babae na sobrang pamilyar ang mukha.

" Iyesha? "

Kunot noo akong napa isip. Nagtataka man ay naglakad parin ako papunta sa gawi niya na masayang nakikipag usap sa mga batang sumalubong sa kanya.

" Iyesha? "

Buong pagtataka na sambit ko. Nawala ang ngiti niya bago iniangat ang tingin sakin.

" Siya nga "

Nakangiti akong humakbang palapit sa kanya habang patayo naman siya. Automatikong kumunot ang noo ko ng mapansin ang pagbabago ng expresyon sa mukha nito pati na rin ang mga galaw niya.

" She acts differently ... Para bang hindi na siya yung isip batang Iyesha na nakausap ko kaninang umaga "

Tinalikuran niya lang ako at humarap dun sa mga bata, may sinabi siya gamit ang linggwahe nila kaya hindi ko naintindihan. Matapos 'yun nakangiting tumakbo paalis 'yung mga bata na kumaway pa sakin.

" Now I know why you're being childish."

Sambit ko saka bahagyang natawa. Pormal siyang lumingon sakin na siya namang ikinapagtaka ko.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora