ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 20 🌹

62 45 0
                                    

Continuation.....






IYESHA'S POV


" Hmm? "

NAPANGUSO ako saka inilibot ang tingin sa buong paligid habang kamot- kamot ang sariling leeg.

" Bakit ako nandito? "

Nagtatakang tanong ko sabay pikit. Nag-unat ako ng katawan at muling napahikab, bago ulit tinignan ang paligid.

" At bakit madilim? "

Wala sa sariling tanong ko bago ako magbaba nang tingin sa kamay.

" Hala "

Usal ko sabay angat ng kamay para tignan ng malapitan 'itong hawak ko.

" Totoong baril kaya to? "

" Hmm? "

Dahil sa koryusidad ay sinubukan ko itong ikasa, dahilan para pumutok ito at maglabas ng bala.

" Waaahhh!!! "

Sigaw ko at agad na itinapon ang baril sa damohan.

" Totoo siya~ "

Di makapaniwalang usal ko. Huminto ako at napangusong kumukurap-kurap kasabay nang pagiisip .

" Sabi ni ate Hazel, 'wag akong humawak ng totoong baril. Eh, Bakit ako may hawak na baril? "

Tinignan ko ulit 'yung baril na nasa damuhan bago ako nag lakad palapit para damputin 'yun.

" Baka pinahawak ka lang sa'kin ni, ate Hazel "

Pagkatapos kong kunin 'yun ay hinipan kopa para maalis 'yung dumi. Napahinto ako ng may makitang maliit na ilaw, at pumatong pa'yun sa kamay ko.

" Hihi, ang liit mo namang ilaw "

Naka ngiting sambit ko dahilan para lumipad ulit ito palayo.

" Hala! teka lang, hintayin mo 'ko! "

Sinundan ko ito palabas nang iskinita para makita ang iba pa niyang mga kasama.

" Maganda siguro kayo tignan kapag marami noh? "

Pagkausap ko pa sa maliit na ilaw na 'yun habang patuloy parin ako sa pag sunod dito.

" Siguro, kayo ng mga kasama mo 'yung nilalagay sa ilaw para may ilaw 'yung mga bahay dito "

Ngumiti ako nang malawak at pinaghawak ang dalawang kamay sa likod. Napahinto ako nang may motor na dumating at huminto di kalayuan dito sa kinatatayuan ko. Nakatingin ito sa'kin kaya tinignan ko nalang din siya sabay ngiti.

" Bakit kaya siya nakatingin sakin? "

May kasunod pa itong dumating, naka sakay nga lang 'yun sa isang kutse na kulay puti tapos may apat na lalaking lumabas, sabay sabay silang may itinutok dito sa kinatatayuan ko.

Tinignan ko itong mabuti at nakita kong baril din iyon tulad nitong sa'kin, na-ialis ko sa likuran 'yung magkahawak kong kamay upang tignan yung baril na hawak ko .

" Bakit nila tinututok sakin yung baril? makikipagbarilan ba sila sakin? "

Napa kamot ako sa sariling naisip bago ko pagdisisyonan na gayahin ang mga ito sabay ngiti. Nawala lang 'ang ngiti ko na yun dahil sa biglang pag tayo nila nang maayos na para bang natakot ang mga ito sakin.

" Ibigay mo sa'min 'yan! "

Sigaw nung isang lalaki na parang galit ata.

" Hala! kay ate to eh. Hindi pwede "

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now