ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 26 🌹F

93 46 0
                                    

CONTINUATION.....





Jazer's POV



" Basta, ipangako mo sa'kin na hinding. Hindi. mapapahiwalay sa'yo si Iyah, maliwanag? "

MADIIN na muling bilin nito sa'kin. Napangiti ako dahil sa wakas ay pumayag na ito sa naisip kong plano na ilabas si Iyah upang makuha ang Jade Buddha.

Naisip kong ipaubaya na lang ito sa ama ni Sir Dylan. Ilang oras na rin kami dito sa kusina dahil nag dadalawang isip talaga siya na ilabas si Iyah.

" Hoy! Jazer, sagot! "

Bahagyang singhal nito sa'kin dahilan nang pagka balik ko sa suhisyo. Humakbang ako palapit sa kanya sabay hapit nang bewang nito bago tumango at ngumiti.

" I will "

Maikling tugon ko.

" Aasahan ko 'yan "

Seryosong sambit nito at akmang kakagatin na ang hawak-hawak nitong sili nang pigilan ko siya.

" Bakit? "

Kunot-noo pang pagtataka nito.

" Can I have a favor? "

Sambit ko na kinunutan naman niya ng noo at hinintay lang ang susunod kong sasabihin.

" Please repeat what you said lately? "

Naka ngising sambit ko.

" Aasahan ko yan? " tugon niya.

" Hindi 'yan " pagmamaktol ko.

" Ano ba kasi 'yun? " may halong inis na tanong nito.

" That thing you've said to me earlier "

Naka ngusong saad ko na saglit nagpa ngiwi sa labi niya bago ito bahagyang natawa.


" Jazer, malapit nang mag ala sa-is... saka kona gagawin 'yan "

Pagrereklamo niya na akmang kakagatin ulit 'yung sili.

" Teka "

Pigil ko ulit sa kanya.

" 'Yun lang naman, eh... Please? "

Kunwaring pagtatampo ko.


" Dáng it! It's too childish to act like this but. I badly want to hear that
' Asawa ' thing she said to me earlier "

Bigla akong napangiti dahil sa sariling naisip dahilan para mapangiti din ito na ani mo'y nagpipigil ng tawa, mabilis itong tumingkayad para halikan ang labi ko kaya agad akong napahawak sa bewang nito alalayan siya.

Pagkatapos nitong kumalas sa halikan namin ay matamis itong ngumiti sa'kin bago niya tuluyang nginuya ang sili.

" Mahal kita... Asawa ko "

Ngiting ngiti na usal nito dahilan nang pagka wala ko sa suhisyo, pero agad din akong bumalik sa ulirat nang maramdaman ko ang pagbigat ng katawan nito na hawak ko.

Agad ko itong binuhat papunta sa kama nang tuluyan na nga itong mawalan nang malay. Matapos ko siyang ihiga ay hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti nang sobra habang pinagmamasdan ang mukha niya.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now