𝔼ℙ𝕀𝕃𝕆𝔾𝕌𝔼 🌹

65 30 0
                                    

10 MONTHS LATER...



JAZER'S POV


ILANG BUWAN na ang lumipas pero pakiramdam ko ay kahapon lang nangyare ang papo- propose ko kay Ilyza. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kami naman ang ikakasal sa susunod na taon.

Lumabas na 'ko ng balkonahe saka muling pumasok sa loob ng kwarto at naglakad palapit sa kama kung saan natutulog ngayon si Ilyza. Umupo ako sa gilid ng kama para pagmasdan ang natutulog nitong mukha.

" It's still 5 in the morning... too early to wake her up. "

Tahimik akong nagbuntong hininga kasabay ng paghawi ko sa hibla ng buhok nito na tumatakip sa mukha niya ng bahagya. Dahil dun ay gumalaw ito at unti - unting nagmulat ng mga mata.

" Good morning "

Nakangiting usal ko saka siya hinalikan sa noo at pinagmasdan ulit. Humilata ito at nag- unat saka umupo, agad nitong sinilayan ang nakabukas na sliding door papunta ng balconahe kung saan matatanaw ang labas.

" It's too early... There's no sunrise yet "

Sambit ko kasabay ng pagtayo at saka umupo sa tabi niya. Tahimik lang ito habang na sa labas ng balkonahe naka tingin. Sumandal siya sa balikat ko ng wala paring imik.

" She's always like this every morning... hindi mo mapipilit na magsalita kapag bagong gising "

Bigla siyang kumilos para tumayo at maglakad papunta sa banyo. Ako naman ay tumayo na rin at saka muling lumabas sa balcony.

Pagkadating doon ay itinukod ko ang parehong siko sa railings at taimtim na pinagmasdan ang madilim pa na paligid sa labas.

" Jazer... "

Nabalik ako sa ulirat ng bigla siyang yumakap sa likuran ko at sumandal dito. Kumilos para pagpalitin ang puwesto namin. Niyakap ko siya ng mahigpit kasbay ng paghinga ko ng malalim.

" Want some breakfast? "

" Mmm... pero mamaya na, gusto ko pa'ng makita ulit ang pag- angat ng araw "

" Ofcourse "

Usal ko kasabay ng bahagyang pagtango. Hilakan ko ito sa pisnge bago ko ipinatong ang sariling mukha sa balikat niya.

" Matagal ko'ng inasam- asam 'to, Jazer "

Rinig kong usal niya kasunod ng pagbuntong hininga. Inabot ko ang mga kamay nito at hinawakan 'yon. Hindi ako nagsalita at tinugunan lang ito ng halik sa pisnge.

" Nga pala... Ano'ng oras daw darating 'yong van na magsusundo sa'tin papunta sa venue ng binyag mamaya? "

" Mga 7 : 30 ... Maya- maya din, darating na sila Crish at 'yung iba "

" Hmm... Buti naman "

Usal nito at mas- lalaong hinigpitan ang pagkaka- kapit sa mga braso ko'ng naka-yakap sa kanya.

Ilang segundo lang ay unti- unti ng umaangat ang liwanag na naggagaling sa sikat ng araw. Tahimik at nakangiti lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang pag- sikat ng araw.

Sa nakalipas na ilang buwan ay iginugol namin ito sa kaliwat- kanan na pagpapa- theraphy kay Ilyza. Mahirap nung una dahil ayaw bumitaw ni Iyah, sa katawan ni Ilyza.

Pinipilit nito ang sarili na siya ang totoo at si Ilyza, ang hindi. Pero kalaunan ay kusa din itong nawalaat naglaho na parang bula.

Sa kataohan naman ni Iyesha, ay hindi kami gaano'ng nahiraapan dahil bata pa ang isip nito kaya madaling mapai- usapan.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now