ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 18 🌹

56 45 0
                                    

Jazer's POV


" Jazer "

BAHAGYA akong nagmulat ng mata nang marinig ang mahinang boses na 'yun ni Iyesha, at nilingon ang dereksyon niya, naka upo na naman ito sa sahig habang naka dungaw sa'kin dito sa ibabaw ng kama.

Napatingin ako sa may bintana at doon napagtanto ko na umaga na pala . Pumasok sa isip ko sila Pow at Ms. Hazel, dahil hindi namin sila na abutan ni Ilyza, na umuwi kagabi hanggang sa naka tulog nalang si Ilyza.

" Bakit wala sila ate Hazel? "

Muling usal niya dahilan ng pagkunot ng noo ko bago bumangon at umupo sa kama, hindi ako nagsalita at hinilamos lang ang sariling kamay sa mukha kasabay ng pagbuntong hininga. Tumayo si Iyesha mula sa pagkakaupo dito sa gilid ng kama at lumipat sa harap ko.

" Ok ka lang, Jazer? "

Na-i-angat ko ang tingin sa kanya habang bahagya paring naka pikit ang dalawang mata. Tinitigan ko siya ng matagal, parang ayaw ko siyang kausapin, parang sinasabi ng utak ko na wag na siyang kausapin pa.

" Dahil gawa lang naman ito nang trauma ni Ilyza. Para sa'kin hindi siya totoo "

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto, mabilis naman na humabol sa'kin si Iyesha at sumabay sa paglalakad ko, Hindi ko na 'yun pinansin at inilibot lang ang tingin sa buong sala.

" Hindi pa sila nakaka balik "

Tumingin ako sa wall clock para tignan ang oras.

' 6 : 00 am '

Kumunot ang noo ko at na ibaba ang tingin sa sahig sabay pamulsa, napa isip ako kung nasa'n na sila.

" Kung namalengke silang dalawa ni Pow, edi sana ay nandito na sila tulad nang dati "

" Jazer, umalis ba sila ate? "

Nabalik ako sa ulirat at pormal na binalingan ng tingin si Iyesha, inosente itong naka tingin sa'kin at naghihintay ng sagot, pero ayaw talagang magsalita ng bibig ko. Muli akong naglakad papunta sa kusina upang mag timpla ng kape.

" Jazer inaantok ka paba? "

Sambit niya habang panay parin ang sunod sa'kin. Umiling ako bilang tugon saka kinuha 'yung lagayan ng kape sa kabinet nitong kusina, lumipat siya sa kabilang gilid sabay silip sa mukha ko, Hindi ko 'yun pinansin at nagpatuloy lang sa pagtitimpla.

" Bakit hindi ka nag sasalita, Jazer? "

Bumuntong hininga ako bago naglakad palapit sa mesa at inilapag do'n 'yung baso bago ako umupo, matagal bago siya sumunod sa'kin.

" Jazer, ayaw mo ba ako kausapin? "

Sambit niya na ngayon ay naka tayo na sa gilid ko, wala talaga akong gana na kausapin siya, parang ayaw bumuka ng bibig ko.

Narinig ko ang paghila niya sa upuang kaharap ko, bahagya akong tumingin do'n bago muling itinuon ang tingin sa kape na hinahalo ko.

" Jazer "

Malungkot na sambit nito, saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin bago ako tumayo at naglakad paalis ng kusina bitbit ang kape ko. Hindi na siya sumunod.

Dumeretsyo ako sa likod bahay kung sa'n kami nag dilig ng bulaklak kahapon, kita dito ang kabayanan sa baba pati ang bundok sa di kalayuan, kung sa'n unti unting sumisikat ang araw.

" Ramdam ko 'yung sakit sa tuwing na kikita ko 'yung paglubog ng araw pero 'yung pag angat nito ay hindi "

Napa buntong hininga ako ng maalala ang sinabing 'yun ni Ilyza sa'kin kahapon.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now