ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 11 🌹

78 47 7
                                    

Jazer's POV

" Ano, kamusta si Ms. Hazel? " agad na salubong ko kay Pow na kakapasok lang .

" Ok na siya " nakangiti nitong tugon sakin bago maglakad sa kusina. Huminga ako nang maluwag bago siya sinundan.

" May sakit ba si Ms. Hazel? " nagtatakang tanong ko. Hindi agad ito nakasagot dahil abala pa sa pag inom ng tubig.

AGAD itong lumingon sakin matapos uminom. " Wala naman... Natural lang ang pagkahilo sa nag dadalang tao " nakangiting tugon nito bago ulit ako talikuran upang magbukas ng refrigerator.

" Wait. Did I just... heard it right? " nagugulohan na tanong ko . " She's pregnant?? "

" Oum, kaya madalas ito kung mahilo " tugon nito sakin na ngayon ay kumakain na ng tinapay.

" Now I understand... Kaya pala mahigpit ang bilin ni Sir Dylan sakin na kilangan hindi masaktan si Ms. Hazel "

Nabagabag ako dahil sa bagong nalaman. Kaya niya ba gustong ipahanap agad si Ms. Hazel para protektahan ang mag ina niya. Kung ganon ay mas delekado pala ang sitwasyon nito ngayon.

" Hays! Anak ka naman talaga ng... "

Hindi lang pala isa ang kaylangan kong ingatan dito, kundi dalawa. Hindi lang pala dalawa kundi apat.

" Kaya naman pala sampung milyon ang ibinigay sakin... Haaays! "

Naglakad na ako pabalik sa kwarto at doon taimtim na nag isip. Ngayong alam kona na may mga kapatid si Ms. Hazel, ibig sabihin 'ito ang dahilan kung bakit may mga gustong kumuha kay Iyesha.

" At ang hinala ko... ay walang alam dito si Sir Dylan... Dahil kung meron man... Edi sana kasama ito sa mga impormasyon na pinakita nila sakin " di ko maiwasan ang pagbuntong hininga dahil sa naisip kong yun.

" In this case... I think I know who's the real culprit is ... "

" Dylan's father... " wala sa sariling usal ko.

" Hindi nito mahuli-huli si Ms. Hazel... Kaya mas pipiliin niyang kumuha nalang nang ipapain "

Kinuha ang cellphone sa bag upang sabihin 'kontakin si sir Dylan, pero kusa rin akong huminto dahil sa naisip na baka pag sinabi ko ang tungkol sa bagay na 'ito, parang sinabi ko narin na nakita ko na nga si Ms. Hazel.

" At dahil 'yun sa kapatid nito na si Iyesha. " Huminga ako ng malalim at ibinuga yun sa ere. " Hindi kona alam ang gagawin ... Pakiramdam ko ay may pumipigil talaga sakin na magsalita kay sir Dylan "

Muli kong ibinalik sa bag ang cellphone at saka humiga. Iniisip ko kung bakit parang mali na ipaalam ko kay sir Dylan na nakita ko na si Ms. Hazel, pakiramdam ko mas maiging 'wag munang sabihin sa kanya.

" Pero kung hindi ko naman gagawin 'yun, mas lalo silang mapapahamak. "

Napabuntong hininga na naman ako nang malalim.

" kakausapin ko nalang muna si Ms. Hazel tungkol sa pagdadalang tao niya"


Kinabukasan....

Dahan dahan ko sanang imumulat ang parehong mata ko pero na udlot yun dahil sa pagkagulat ko kay Iyesha. Naka upo ito sa papag sa tabi ng kama habang nakapatong naman ang ulo nito sa hinihigaan ko.

" Good morning jazer hihihi " mahinang bulong nito sa gilid ng tenga ko.

Agad akong napapitlag sabay upo bago nagsalita.

" A-anong ginagawa mo dito? "

Ngiting ngiti siya habang tumatayo sabay upo sa tabi ko.

" Wala lang, pinag masdan ka lang matulog hihi " ani niya sabay tingin sa balikat kong may benda dahilan para mawala ang ngiti niya " Hala, anong nangyari ja'n? " pag aalalang tanong niya na ikinakunot naman ng noo ko.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now