ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 30 🌹

58 38 0
                                    

Continuation....


HAZEL'S POV



" Hazel? .... Hazel, anak "



LUMIKOT ang pagkilos ng mata ko kahit pa ito'y nakapikit. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang pamamanhid at pagkirot ng buong katawan ko.


" Ma... "



Sa isip- isip na sambit ko. Gusto kong ibuka ang bibig pero nanatili itong nakatimon.


" Anak... Gumising ka... "


Naramdaman ko ang paghaplos ng mga kamay nito sa mukha ko. Nanatili akong nakayuko habang nakalaylay ang buo kong katawan. Wala akong lakas para i-angat ang paningin ko.



" Alam kong imahenasyon ko lang ang mga naririg kong boses ni mama ngayon, pero kahit gano'n ay masarap parin sa pakiramdam na muling marinig ang boses niya "


" M-ma... "



Nahihirapan na usal ko kasabay nang mahinang pag iyak.




" Hazel... "



Muling sambit nito kasabay nang marahan na pag- alalay sa ulo ko upang itingala . Nanatili akong nakapikit dahil sa sobrang pagod ng katawan ko. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas maski sa pagmulat ay hindi na kaya nang lakas ko.

Nakaramdam ako nang mga pagpatak ng tubig sa mukha ko at isang malalim na pag- halik sa noo. Natigil ako sa pag- iyak nang maamoy ang isang pamilyar na pabango.


" Hindi ako pwedeng magkamali sa amoy na iyon "


Pinilit kong imulat ang mga mata para makita nang tuluyan kong sino ang nasa harap ko ngayon. Agad na bumungad sa'kin ang isang kwelyo ng lalaki.

Hindi ko kita ang mukha nito dahil sa nanatili itong nakahalik sa noo ko. Isang dahilan na rin ay ang hindi ko mabuksan ng maayos ang mga mata ko.

Iginaya ko ang paningin sa leeg nito paakyat sana sa mukha niya pero napahinto na ako dahil sa nunal nito sa gitna ng leeg na nasa mismong gitna din ng Adams apple nito. At isang tao lang ang kilala ko na may ganon.


" Hindi... Hindi 'to maari "

Sunod - sunod na kumabog Ang dib dib ko dahil sobrang kaba. Nanatili akong nakatitig sa leeg nito hanggang sa siya na ang unang gumalaw dahilan para magtama ang mga paningin namin.


" Dylan ... "


" Wife "

Sambit nito kasabay nang pag- iyak bago ako muling hinalikan sa noo at mahigpit na niyakap. Hindi ako makakilos, maski ang magsalita ay hindi ko rin magawa.

Nanatili paring nakakadena ang magkabilang kamay ko paitaas dahilan para hindi ko siya maitulak palayo.


" Anong ginagawa niya? "


Hindi parin maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Gulat at wala sa sarili akong nakatingin dito matapos nitong kumawala sa pagkakayakap sakin kasunod nang mabilis nitong pagkakakalas sa kadenang naka- padlock sa magkabilang palapulsuhan ko.


Wala sa sarili akong napakapit sa leeg nito nang maalis niya na sa pagkakadena ang isa kong kamay. Wala akong lakas na tumayo dahil sa grabeng palo na dinanas ng mga binti ko.


" Bakit niya ako tinutulungan? "


" Hold tight, ok? I got you... You'll be ok now... I promise "

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now