ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 25 🌹

78 41 0
                                    

Continuation....


" I know. I already had a plan "


MARAHAN akong nagmulat nang mata matapos kong marinig ang boses na 'yun ni Jazer na may kausap. Nakita ko itong nakatayo sa harap ng bintana, may hawak na telopono at naka pamewang.

Nakatalikod ito sa kinaruruonan ko kaya di ko makita ang ekspresyon ng mukha niya. Gumalaw ako upang bumangon at maupo dito sa kama dahilan para makaramdam ako nang bahagyang pagsakit nitong pagkababae ko.

Mariin akong napapikit upang tiisin ito at tuluyang maka upo nang maayos.

" I can fix it myself, sir Dylan. You don't have to make any move "

Awtomatikong namilog ang mga mata ko at kaagad itong nilingon sa gawi niya nang marinig ang pangalan ni Kuya Dylan.

" Anong pinag uusapan nila? "

" Magagawa ko ito nang maayos. There's no need for you to worry about "

Ibinaba na nito ang hawak na telepono at saka nagbuntong hininga bago tuluyang humarap dito sa gawi ko. Napahinto siya at saka ako tinignan ng deretsyo.

" Gising kana pala "

Sambit nito bago ako nginitian at nagsimulang maglakad palapit sakin.

" Nag paakyat na ako ng makakain para sa hapunan natin "

Dugtong niya pa habang patuloy parin sa paglalakad palapit sa'kin.

" Napahaba ang tulog mo "

Muling sambit nito bago ako hinawakan sa pisngi gamit ang isang kamay at halikan sa noo..

Umupo siya sa harap ko habang nanatili paring naka hawak sa pisngi ko, hinihimas ng hinlalaki niya ang pisngi ko habang naka ngiti siyang pinagmamasadan ang mukha ko.

" Anong napag usapan niyo? "

Mahinang tanong ko sa kanya. Inalis nito ang pagkakahawak sa mukha ko, ibinaba niya ang tingin sa sahig at nagbuntong hininga.

" Jazer "

Mahinang usal ko na nagpakuha nang atensyon nito.

" Sabihin mo sa'kin ang totoo "

Matagal niya akong tinitigan bago tumugon sa sinabi ko.

" You know that I still have a job to do right? at bukas na ang huling araw na kelangan kong matapos ito "

May halong lungkot na sambit nito. Nagulat ako sa sinabi niyang 'yun dahilan para hindi ako makapagsalita. Muli niyang ibinaba ang tingin sa sahig.

" At kapag natapos ang araw bukas... Mas lalo nila tayong pahihirapan. Mas magiging komplekado ang lahat para sating dalawa "

Ibinalik nito ang tingin sa'kin.

" Ang jade na lang ang natitirang pag-asa ko. Para matapos na lahat nang 'to, Ilyza "

Hindi parin ako nakasagot, hinawakan nito ang mukha ko.

" I want to end all of this to spend more time with you. Gusto ko pang magsaya kasama mo "

" Bakit ngayon ko lang ito na intindihan, kung bakit gusto niyang makuha ang bagay na 'yun "



--------

Pinagmamasdan ko lang ngayon si Jazer habang masaya itong pinaghahainan ako ng pagkain, abala ako sa pagpapatuyo ng buhok ko habang ginagawa niya 'yun.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now