ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 17 🌹

60 46 0
                                    

Jazer's POV 

" 'Yong cellphone ko, Akin na. "

NAPAHINTO ako sa paglalakad papuntang kwarto ng bumungad sa harap ko si Ms. Hazel habang naka lahad sa'kin 'yung hawak niyang cellphone, napakamot ako ng batok habang kinukuha 'yung cellphone niya sa bulsa ko.

" Baka kasi isipin niya na pinaki-alaman ko 'yung laman nun "

Ini-abot ko na sa kanya 'yung cellphone niya at kinuha ko naman 'yung sa'kin.

" H-hindi ko pinaki-alaman 'yan-- "

" Wala karin namang makikita dito " putol niya sa sinasabi ko bago ako lagpasan.

Bahagya akong napa nguso bago ibaba ang tingin sa hawak kong cellphone. Napa pitlag ako ng bigla itong tumunog, mabilis akong napa lingon sa likuran at sa buong sulok nitong kinatatayuan ko bago ako muling naglakad papuntang kwarto at doon sinagot 'yung tawag. Gaya ng dati ay hindi ko inunahan ang pagsasalita ng tumatawag .

{ She's with you right? }

{ ANSWER ME!! }

" Aray! anak ng "

Bahagya kong nilinis ang sariling tenga dahil pakiramdam ko umatras papasok sa loob lahat ng tutuli ko.

{ Ang sabi mo, hindi mo pa siya nakikita }

Humugot na ako nang lakas ng loob upang makapag salita ng maayos.

" Fine... I already found her... Pero nitong nakaraan lang yun " pagsisinungaling ko.

{ Then why didn't you tell me?! }

" Nagka aberya lang " sambit ko.

{ What do you mean }

" Mukhang ito na ang unang hakbang ko sa plano "

" Sa tingin ko ay kumikilos na rin ang ama mo sir Dylan " 

{ What, no?!... Maayos ang usapan namin! }

" Maybe your dad hates to wait that long " pagbibiro na sambit ko.

{ Then you should finish your mission quickly!! }

Nawala ang ngiti ko at agad na napa irap sa inis.

" Gusto ko pang mag enjoy dito sa Thailand "

{ If there something bad happens to her... Better hide yourself }

Napa buntong hininga na lang ako, nag iisip ng panibagong paraan upang mapadali itong trabaho ko. Dumako ang paningin ko sa bulsa ng bag. 

Gawa ang bulsang 'yun sa net kaya kita ko 'yung isinalansan kong maliit na kahon do'n kahapon. Bahagya akong tumayo upang kunin 'yun, inilabas ko sa kahon ang binili kong bracelet kahapon.

Binili ko 'yun ng ma-isipan kong hanapin si Iyesha sa mga pamilihan. Hinanap ko siya dahil nag alala akong baka mapahamak na naman ito. 

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now