ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 19 🌹

64 44 7
                                    

Love Pattrinaite
Again as
Ilyza

Love PattrinaiteAgain asIlyza

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Continuation.....

Jazer's POV 🌹


TAHIMIK lang ako habang kumakain ng hapunan, sila naman ay masayang nakikipag kwentuhan kay Pow, nabaling naman ang tingin ko kay Ilyza.

Pormal lang itong kumakain at paminsan minsan ay ngumingiti din do'n sa matandang babae bilang tugon sa mga sinasabi nito, parehong naka upo sa magkabilang dulo nitong mesa 'yung dalawang matanda habang magkatabi naman sila Pow at Ilyza na naka upo sa harapan ko.


Hindi ko sila maintindihan kaya hindi na ako sumabay. Nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa matapos ang hapunan, hindi na kami pinatulong nung matanda sa pagliligpit ng pinagkainan.

Pero nagpumilit si Ilyza kaya nasa kusina silang dalawa ngayon nung matanda, sila Pow at 'yung lalaking matanda naman ay may pinag uusapan kaya napag disisyonan ko nalang na lumabas at magpahangin.


* Sight... *


Mas lalong gumanda ang tanawin sa ibaba mula dito dahil sa mga ilaw, wala sa sarili akong napa ngiti. Parang hindi ako binabagabag ng mga nangyayari, puma-pasok man sa isip ko ang problemang kinakaharap namin ngayon, pero agad din 'yung nawawala.


" Sino ba namang hindi ma-aalis ang problemang iniisip, kung ganito kaganda ang tanawin na makikita mo "


Namulsa ako sabay hinga ng malalim, nilalasap ang preskong hangin, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.


" Ang ganda'ng tignan hindi ba? "

Agad akong napalingon sa gilid ko ng marinig 'yun, nakita ko si Ilyza, naka cross arms ito at pormal na naka tingin sa malayo.

" Yeah , it's beautiful "

Wala sa sariling usal ko habang naka tingin lang sa kanya, nakita ko ang pagbuntong hininga nito bago magsalita ulit.

" Nakaka relax tignan " usal niya pa.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang naka tingin parin sa malayo.

" Sobra "

Ibinaba nito ang tingin sa lupa, ramdam ko ang biglang paglungkot niya dahilan para maalis ang ngiti sa labi ko.


" What's wrong ? "


Tumingin siya sakin at saglit akong tinitigan bago ibinalik ang tingin sa malayo sabay ismid.


" Alam mo bang, ni minsan hindi pa 'ko sumagot nang ' Ayos lang ako. Oh, Ok lang ako, Kasi parang niloloko ko lang 'yung sarili ko " nakangiting sambit niya.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now