ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 38🌹

58 33 0
                                    


JAZER'S POV


MARAHAN akong napamulat at kaagad na napatingin sa gilid ko nang mapansin ang isang presensya na nakahiga rito. Agad akong napangiti dahil kahit hindi ko man ito tignan ng mabuti, alam kong si Ilyza itong mahimbing na natutulog sa tabi ko.


Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Kumilos ako para sana umusog at masilip siya nang biglang kumirot ang tagiliran ko kung saan ako may tama ng bala.


Napahinto ako at muling napahiga ng diretsyo kasabay nang pagtitig sa kisame. Napabuntong hininga ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Pero nauwi lang ako sa pagka-tulala.


" Hindi ko alam kung nauwi ba sa maayos ang lahat. Pero sana ay gano'n nga "


Huminga ako ng malalim at muling humugot ng lakas para makakilos. Nang tuluyan akong makausad at maupo ay agad kong dinungaw si Ilyza, na natatakpan pa ng buhok ang mukha.


" Hey... "


Usal ko habang hinahawi ang mga hibla ng buhok nito at mai-ipit sa tenga niya. Matapos 'yon ay napakunot nuo kaagad ako nang makita ang kuyom- kuyom nito. Marahan ko itong kinuha para mas mausisa pa.


" What the? "


Mahinang asik ko nang mapagtanto ko ang hawak nito.


" Anak, ng... "


Usal ko ulit kasabay ng pag- iling habang iniisip kung bakit ito may hawak na c'ondom. Muli kong binalingan nang tingin si Ilyza, na mahimbing parin na natutulog.


" Tsk, Iyesha "


Sambit ko kasunod nang pagbaling sa pintuan ng bigla itong bumukas at iluwa ang pigura si Shawn, na nagulat nang makita ako.

Kinunotan ko ito ng noo dahil para itong na- istatwa habang nakatingin sa gawi ko. Ilang segundo lang ay may tumulak sa kaya mula sa likod at doon nakita ko naman ang pag pasok ni mommy.


" Oh, my god! "


Gulat na gulat pa nitong sabi kasabay nang pagsinghap, dahilan para mabitawan niya ang hawak na tray. Dahil sa ingay nang pagbasak nung mga bitbit ni mommy, ay biglang nagising si Ilyza at napapitlag na napa-upo.


" Ano 'yon?! "


Sigaw pa nito dahil sa kaba at kaagad na napatingin sa gawi ng pinto.


" T-tita? "

Nag- aalala na sambit ni Ilyza bago kumilos at bumaba ng kama para sana lapitan sila mommy,pero kaagad din itong napahinto nang makita ako.


" J- jazer? "


Hindi makapaniwala na usal nito. Muli siyang humakbang pasampa sa kama at kaagad na hinawakan ang magkabilang pisnge ko na ani mo'y may tinitignan na kung ano.


" Gisisng kana! "

Tuwang- tuwa na sambit nito saka ako mabilis na niyakap. Bumitaw din ito kaagad sa'kin at masiglang binalingan nang tingin sila mommy na nakatayo parin sa may pintuan habang nakatingin sa direksyon namin.


" Tita! gising na si Jazer, oh! "


Wala sa sarili kong pinagmasdan ang mukha ni Ilyza at kaagad na napangiti.


" Iyesha... "

" Tita? "


Muli kong naibalik ang tingin kina mommy. Ngayon ay nakahawak na sa sintido si mommy habang nakapamewang ang isang kamay at nakasandal ng bahagya sa pintuan. Si Shawn naman ay nakangiwi habang nakatingin dito.


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now