Chapter 2

697K 10.9K 1.1K
                                    


Madaling araw na nang makauwi si Hunter mula sa kung saan na namang party. Matapos iparada ang sasakyan, pumasok na siya sa loob ng bahay.

Kung tutuusin ay ayaw niyang sa bahay nila tumuloy. He just can't say no to his mom, his bratty sister and his sister-in-law.

Pinaparenovate ni Thunder ang bahay nito kaya naman dito din sila tumutuloy sa mansion. Halos ayaw na nga niyang nandito siya kung nandito lang din naman sila kaya maaga pa lang ay aalis na siya at gabing gabinna kung umuuwi.

"Hunter..."

Napalingon siya nang may magsalita.

Great! Damn it!

"Einah..." he acknowledged her. Nagtiim bagang siya nang makita ito sa suot nitong nighties na natatakpan lang ng roba.

Hindi mapigilan ni Hunter ang mapamura.

Hanggang ngayon, may epekto pa din sakanya si Einah. He really likes her. Kaya nga umiiwas na siya. Hindi na niya balak ulitin pa ang nakaraan.

"You're drunk!" Lumapit ito sakanya at hinawakan ang braso niya. Napatingin naman siya kay Einah. "Come with me, magkape ka nang mahimasmasan ka muna..." Inakay siya nito papunta sa kusina. Binuksan ni Einah ang ilaw tsaka ito nagtimpla ng kape.

Nakasunod lang si Hunter sa asawa ng kapatid. Hindi iilang beses niyang naisip kung ano ang mangyayari kung sakaling sila ni Einah ang nagkatuluyan... pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang hindi din naman buo ang loob niyang magiging sila.

He likes her... but it's not enough.

Matapos itong magtimpla ng kape, inabot nito sakanya ang kapeng ginawa at umupo sa tapat niya. "Bakit ka ba kasi inom ng inom, Hunter?" Tanong ni Einah sakanya.

Hindi napigilan ni Hunter matawa ng patuya. "Stop acting as if you care, Einah."

Huminga ng malalim si Rain bago inirapan si Hunter. Hindi niya maintindihan ang problema nito. Ang gusto lang naman niya ay magkaayos na sila ni Hunter. Nakikita niyang nag-uusap naman ang asawa niya at ang kapatid nito pero gusto niyang bumalik ang mga ito sa tulad dati... pero may pag-asa pa bang magbago si Hunter?

Tumayo na siya at tinignan si Hunter. "Mauuna na akong umakyat, Hunter." Paalam niya dito. Hindi naman siya pinansin ng binata.

"Look, I want us to be friends again. Hindi 'yung civil, okay? You're like a brother to me now... please, Hunter?" Pakiusap niya sa binata. Saglit lang siyang tinignan ni Hunter.

"Goodnight, Einah." He said. Hindi na niya pinansin ang asawa ng kapatid hanggang sa umalis na ito sa loob ng kusina.

Matapos niyang ubusin ang lamang kape ng poswelo, umakyat na siya sa kwarto niya. Kahit papaano ay nawala ang sakit ng ulo niya mula sa pag-inom ng alak.

Hinubad niya ang lahat ng damit bago tumapat sa dutsa. Hinayaan niya lang na umagos ang malamig na tubig sa katawan niya.

Hindi iilang babae ang nakatabi niya sa bar ngayong gabi. That party was supposed to be Vaughn's birthday celebration. Dapat ay ito ang center of attraction, pero hindi na siya nagtatakang sa kahit saang party na puntahan niya, nalilipat sakanya ang atensyon. He's Hunter, for fuck's sake. Hindi kayang balewalain ng babae ang presensiya niya.

Matapos maligo at mapatuyo ng katawan, nagsuot lang siya ng boxers at dumapa na sa kama. Hindi na niya kinailangan ng maraming oras para magpaantok dahil ilang minuto lang mula nang humiga siya ay hinila na siya agad ng antok.

Hunter's Temptation Donde viven las historias. Descúbrelo ahora