Chapter 44

389K 9.3K 2.4K
                                    

Nakatingin lang si Hunter kay Zyline nang magsimula na itong maglakad papalayo sakanya.

Everything's so fucked up. He knew it very well that he could cause troubles to those people who wants to be with him. Alam niya 'yon dahil noon pa naman, alam na niyang gago talaga siya.

He was never the nice guy. He do things that could hurt other people... sariling kapatid niya nga, nagawa niyang saktan noon. Ano man lang ba ang ibang tao?

He sighed deeply.

But he really loves Zyline.

Walang ibang babaeng nakapagparamdam sakanya ng ganoon maliban dito. He was attached with Einah, but he's committed to Zyline. Si Zyline ang gusto niyang makasama. Hindi ang ibang tao... hindi si Tanya. Hindi ang kahit na sino maliban sa asawa at mga anak niya.

He started walking. Walang direksyon kung saan siya papunta. He's lost. Completely lost.

If he could just make everything right, if he could just turn back time, sisiguraduhin niyang hindi mangyayari ang nangyayari ngayon.

Ipinamulsa niya ang dalawang kamay at nagpatuloy sa paglalakad. Of course, he knew it very well that Zyline needs space. Time.

Nagseselos ito kay Tanya.

At kahit gusto niyang ipaliwanag kay Zyline ang nangyayari, hindi niya magawa. Mas bababa ang tingin ng asawa niya sakanya.

Gago na nga siya sa paningin ng lahat, ayaw na niyang madagdag pa si Zyline doon.

But thing's messy now. Kahit pa gusto na niyang sabihin sa asawa kung ano ang totoo, patuloy lang siya nitong ipinagtatabuyan. Her words hurt.

Okay lang kung si Blue o kahit na sino ang magsasabi sakanya na wala siyang kwenta... pero iba pala kapag 'yung taong mahal mo na ang humusga sa'yo. Doble 'yung sakit.

Kahit na gusto niyang balewalain nalang 'yung sakit gaya ng lagi niyang ginagawa noon, hindi niya magawa ngayon.

Nasasaktan siyang makitang galit si Zyline sakanya. He was used to it, though. Sanay naman siyang galit ang lahat sakanya. Pero hindi niya kayang pati si Zyline, galit sakanya.

May sasakyang huminto sa tabi niya at bumukas ang bintana.

"Tss..." hindi napigilan ni Hunter mapa-ismid nang makita nito ang mukha ng kapatid niya.

"Sumakay ka na, tangina ka," ani Thunder sa kapatid.

"Kaya kong umuwi. Lubayan mo nga ako," sagot naman ni Hunter dito.

"Tangina, Hunter. Cut the drama. Sumakay ka na. O gusto mong pagbuksan pa kita ng pinto?" nauubusan na din ng pasensya na sabi ni Thunder sakanya. He saw the wound he got from his fight with Blue. Pero alam ni Hunter na mas malala ang sugat ni Blue.

Thunder's a Dela Cruz. Hindi basta-basta sumuntok.

"What? Tangina. Gusto mo talagang makapasok sa sasakyan ko ng hindi binubuksan ang pinto? Babalian kita, tangina mo," may pagbabanta na sa boses nito.

There's no point on arguing. Hindi din naman siya titigilan ni Thunder. Sa palagay ni Hunter ay dito talaga namana ni Mika ang pagiging makulit... kung pwede nga ba iyon. O baka, nahawa lang.

"What really happened between you and Tanya?" Thunder asked him. Nilingon niya ito habang nakakunot ang noo. "Now, what? Nakikichismis ka?" he mocked him.

Tinitigan naman siya ni Thunder ng masama habang patuloy ang pagmamaneho. Wala namang halos sasakyan sa kalsada kaya ayos lang iyon.

"Oo. Napakaganda kasi ng takbo ng buhay mo. Naglayas 'yung asawa mo kasama 'yung mga anak mo. Now you're all alone. Maybe, you'll die alone, too..." walang emosyong sabi ni Thunder sakanya.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now