Chapter 37

497K 9.6K 884
                                    


Twitter/askfm/IG: @vampiremims

--

"Where's Hunter?" tanong ni Blue kay Zyline nang minsang dumalaw ito sa bahay ng huli kasama ang asawa nito at ang dalawang anak. Karga-karga ni Blue si Lean na bata pa lang, makikita nang Daddy's girl habang si Cyan naman ang may hawak kay Enzo.

"Nasa work pa. May meeting 'yon ngayon, eh..." sagot naman ni Zyline sa kapatid niya. They are watching Keij and Kol crawl. Nakakatuwa nga dahil kapag gagapang na ang dalawa, nagkakauntugan silang dalawa at si Keij ay tumatawa habang kukunot ang noo ni Kol sa kakambal nito. Bata pa lang, nakikita na agad na bully si Keij.

"Enzo, play with Keij and Kol..." sabi ni Cyan sa anak pero nagtago lang si Enzo at sumiksik pa sa ina nito. Natawa naman si Blue. "I remember myself when I was a child. I don't like socializing, too. Si Zyline ang mahilig sa tao. Kapag sinabihan siya nila Mommy at Daddy na sumayaw, sasayaw din talaga siya..."

Tumawa naman si Cyan. "I can imagine that, honey..." tinignan siya nito. "Para ka palang si Lean, sis. Napaka-energetic. Kaya si Blue ang laging may hawak kay Lean, eh. Mahaba kasi pasensya ni Blue..."

"Pasensya lang?" tumaas ang isang kilay ni Blue sa asawa.

Zyline rolled her eyes. "I'm not interested to know about how long it is, Kuya... kadiri ka!" ani Zyline na binato ng unan ang kapatid niya.

Natatawa naman na inayos ni Blue ang salamin bago hinalikan sa noo ang asawa nito. "Okay na akong alam ni Cyanelle..."

Napangiti nalang si Zyline habang nakatingin kay Blue at Cyan. For her, wala namang love story na perfect. Lahat may ups and downs. And she saw how devastated her brother was because of love. Kaya masaya siya na masaya ang kapatid niya. And she was happy, too, that she's happy as well. May Hunter siya. Wala na siyang mahihiling pa.

Hunter was busy as fuck. Bukod kasi sa negosyo na inaasikaso ng asawa niya, he was also pursuing his dream. Maging Architect. She was so happy when he told her that. Kasi alam niyang kaya ni Hunter. He's one of the best! Gago lang si Hunter pero nakikita niyang kapag gusto nito ang isang bagay, magagawa nito. Kahit pa mahirapan ito, gagawin nito ang makakaya para magawa iyon. At lagi naman siyang nakasuporta kay Hunter.

Dahil naroon naman na si Blue, si Blue na ang nagprisinta na magluto ng dinner nila. She missed it so much. Magaling magluto si Hunter, no doubt. Mas gusto niya any luto nito kahit na kanino paan, pero maarte kasi si Blue kapag nagluluto. Ayaw pati nito na may nakikialam sakanya kaya hindi na din sila nanuod ni Cyan dito. Instead, they just stayed at the living room with the kids.

Natutulog si Kol habang si Keij naman ay hindi pa napapagod sa paggapang. Kung minsan pa'y dinadaganan nito si Kol kaya inaalis ito ni Zyline. Si Enzo naman tahimik lang sa isang gilid habang si Lean ay inaayusan ni Cyan ng buhok. She really likes it when her mom's braiding her hair.

"So... how's everything?" tanong ni Cyan sakanya maya-maya. Nag-angat naman siya ng tingin sa kaibigan. Ngumiti si Cyan sakanya. "You looked happy, sis. Don't get me wrong. You're glowing, too. Kaya alam kong gabi-gabi kayong nagsesex ni Hunter..." dire-diretsong sabi nito.

"Cyan!" nanlalaking matang saway ni Zyline sa kaharap.

"What? Hindi pa naiintindihan nila Enzo at Lean 'yan, no," she scoffed. "Besides, usapan na namin ni Blue na maaga pa lang, ibbrief na namin ang kambal namin when it comes to that matter..."

"It's fine to brief them at their early age. Pero wala pa ngang 3 years old 'yang anak mo!" sinabunutan niya ng mahina si Cyan. Tawa naman ito ng tawa.

"Ang pa-virgin mo. Pareho lang naman tayong may kambal na..." pang-aasar pa nito sakanya. Napapailing nalang siya sa kaibigan. Of course it was okay with her to talk about sex. Sa dami ba naman ng naituro sakanya ni Hunter, may maikukwento talaga siya. Pero alangang pag-usapan nila ni Cyan kung gaano kagaling ang kapatid niya. That's gross. Alam niyang gwapo ang Kuya niya. She saw his thing before, mga 4 years old pa ata siya noon, pero God, ngayon? No way! Wala siyang balak alamin.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now