Chapter 7

507K 10K 907
                                    

Wala akong net. Wala din akong load. Sorry, late. :)

--

Nagising si Zyline na masakit ang ulo kinabukasan. Hindi siya nagpunta sa bar kagabi at napagdesisyunan niyang magpahinga na lang matapos nang naging pangyayari sa kanila ni Hunter sa coffee shop na iyon.

Hunter said he likes her.

Anong klaseng like ba ang sinasabi ng binata sa kanya? He likes her to be one of his toys? He likes her to have someone to fuck with? O he likes her the way that, that word really means?

He's so annoying.

He's so blunt.

He's a pervert.

And yet, he's so damn attractive! And to make it worse, she's damn attracted to him, as well.

"Ugh, Zyline Cerise De Guzman! Hindi ka naman tigang, ano bang problema mo?" Hindi niya napigilang mapaungol ng malakas bago muling dumapa at ibinaon ang mukha sa unan na naroon. Bigla naman siyang napabangon nang maisip ang mukha ng binata.

"Damn it, Hunter! Lubayan mo nga ang isip ko!" Inis na sabi niya bago dinampot ang remote ng TV at binuksan ito para mabaling ang atensyon niya. Nakatingin siya sa screen ng TV pero tila naman nang-aasar ang isip niya at biglang lumilitaw ang mukha ni Hunter na nakangisi sakanya.

Hindi na niya napigilang sabunutan ang sarili dahil sa sobrang frustration!

Tinignan ni Zyline ang cellphone na nasa lamesa. Naisip niyang itext nalang si Bobbie na magpunta sa condo niya para doon nalang sila mag-usap. Wala siyang kabalak-balak lumabas ngayon araw dahil naiirita siya sa nangyayari sa sarili.

Dapat ay galit na galit siya sa pagiging conceited ng binata pero bakit may munting tinig sa loob niya na sinasabing tama naman ito na may gusto siya dito?

Alright, gwapo si Hunter. Maganda ang katawan. Galing sa matinong pamilya, hindi nga lang alam ni Zyline kung bakit si Hunter lang ata ang hindi matino sa mga ito. Pero napakabastos nito. Napakaplayboy at hindi nabubuhay ng walang kinakamang babae.

Paano siya makakasiguro na walang sakit si Hunter kung magkakatuluyan sila, eh ang dami dami na niyang ikinama at pinaungol sa kama?

Wait, what?

Iniisip niyang magkakatuluyan sila?

Sinasabi niyang wala siyang gusto sa binata pero tinatraydor naman siya ng sariling isip. Muli, napailing nalang siya.

Tinignan ni Zyline ang cellphone at nagscroll ng mga text messages na narecieved. Napanguso siya nang walang makitang mensahe galing sa binata.

Hunter said he likes her pero ni isang text naman ay wala siyang nakuha mula sa binata. Baka naman kasi busy ito sa ibang babae?

Hindi napigilan ni Zyline mapasimangot lalo bago inilagay ang cellphone sa gilid ng kama niya.

Matapos maligo ay hinintay niya nalang si Bobbie sa living room ng condo niya habang nanunuod sa TV na naroon. She told her friend to buy some food, too. Tinatamad siyang magluto kaya naman basta nalang niyang inihiga ang katawan sa couch niya at naghintay sa pagdating ng kaibigan niya.

Maya-maya'y dumating na si Bobbie na may dalang dalawang paper bag ng pagkain at may bitbit pang box ng pizza. Hindi napigilan mapangiti ni Zyline kapag napapatingin siya sa kaibigan. Wala talagang bakas ng pagiging tagilid ng binata. Ilang beses na rin itong napagkamalang boyfriend niya at hindi iilang beses siyang napahagalpak sa tawa dahil doon.

"Ang tagal mo." She frowned. Tumabi siya para makapasok ang binata dala ang mga pagkaing binili nito bago isinara ang pinto. Agad namang dumiretso si Bobbie sa kusina niya at inihanda ang dala.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon