Chapter 43

320K 7.8K 1.7K
                                    

Keep your comments coming. I love reading it. Hehe. <3

--

Simula pa nang nagdaang gabi'y wala pang maayos na tulog si Zyline. She was also bothered by Hunter.

Gusto niyang isiping nagpapadalos-dalos siya ng desisyon... pero kung mananatili naman siya sa tabi ni Hunter, mas lalo lamang siyang masasaktan. Kailangan niya din na protektahan ang sarili niya... kahit pa nga laban iyon sa taong mahal niya.

How ironic. He should be the one who's protecting her... but it turned out she needs protection from him.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Cyan sakanya habang pinapalitan niya ng damit si Keij. Huminga naman ng malalim si Zyline bago pilit na ngumiti at tumango. "Oo naman..."

"Ang hirap, no?" sabi ni Cyan habang nilalaro si Kol. Si Enzo at Lean ay naglalaro habang binabantayan ng yaya nito. "Kasi halos lahat may pinupunto... pero nasasaktan ka, eh. At gusto mong mawala 'yung sakit kaya magdedesisyon ka nalang bigla... been there, done that," sinundan iyon ni Cyan ng pagtawa.

Hindi nagsalita si Zyline. Tinignan niya lang si Keij. Nakuha ni Keij at Kol ang mata ni Hunter kaya naman pakiramdam ng babae'y tinitignan niya din ang mata ng asawa.

"You're hurt, Zy... and mad. And you know what they say? Don't make any decisions when you're mad... because you might regret it, after. Diba, Kol?" pinisil-pisil nito ang ilong ni Kol. Kumukunot naman ang noo ng bata dahil sa ginagawa ni Cyan.

"But what if, I'll regret it even more if I stay with him?" tanong niya sa kaibigan. Nilingon siya nito. "Then you will never going to find that out. Naglayas ka na, diba?" ngumisi ito sakanya. Hindi niya napigilan paikutin ang mata dahil sa sinabi nito.

"Anyway, Blue's out. Baka nakikipagpatayan na kay Thunder 'yon sa opisina nila. I called PJ, already. Sinabihan ko na pakalmahin ang sitwasyon nila doon. Wala naman kasi akong maaasahan kung si Cupid ang tatawagan ko..." Cyan rolled her eyes.

"Sorry, ha? Nadadamay kayo sa nangyayari sa amin..." hinging paumanhin ni Zyline sa kaibigan niya.

Tumaas naman ang kilay ni Cyan sakanya. "Para kang tanga. Of course, kahit hindi mo kami idamay, idadamay namin ang sarili namin. Mahalaga ka, eh. Kayo ng kambal mo. At alam kong ayaw lang ni Blue na nasasaktan ka kaya naman ganoon ang naging reaksyon niya sa nangyari," walang bakas ng paninisi sa tinig ni Cyan. "Tsaka malaki na sila ni Thunder. Medyo kinabahan lang talaga ako na baka magsapakan sila. Gosh, it'll be the first time, just in case... pero medyo exciting..." she grinned.

"Yeah... Kuya was the calmest. Laging walang kibo, kung tutuusin..." humugot ng malalim na hininga si Zyline.

"Kaya nga nakakatakot, eh..." ngumisi si Cyan bago kinarga si Kol. "Tara na sa baba? Nagpaluto ako ng meryenda, eh..." aya nito sakanya. Tumango naman siya at binuhat si Keij. Kagabi pa sinusumpong si Keij ng topak nito. Hindi marahil sanay ang bata na wala si Hunter... si Hunter kasi ang laging nagpapatulog sa mga ito kapag nagigising ng alanganing oras.

Ipinikit ni Zyline ang mata at huminga ng malalim. Hindi dapat siya nag-iisip ng bagay na masasaktan lang siya.

Lumipas ang buong araw na walang ibang ginawa si Zyline kundi bantayan ang mga anak niya. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya inaasam na tumawag sakanya si Hunter. Kahit na sinabi na niyang maghiwalay silang dalawa, inakala ni Zyline na kahit papaano ay hindi papayag si Hunter.

Mahal pa din niya ang asawa. Kaya nasasaktan pa din siya. Masakit pa din ang pakikipaghiwalay na ginawa niya.

Pero alam niyang para sa ikabubuti ng lahat ng desisyon niya. Para sa ikatatahimik ng lahat.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now