Chapter 24

491K 11.1K 1.4K
                                    

Keij = Cage. Kol = Call.

Ang berde niyo po mag-isip. Bakit kayo ganyan? Hahaha!

See you sa mga pupunta ng group date! Again, hindi ako manlilibre. Wag umasa, pls. :P

--

"Ayoko na nga ng mango. Bakit ba ang kulit mo, Hunter?" tanong ni Zyline kay Hunter habang magkasama silang dalawa. Kanina pa silang dalawa nagtatalo dahil sa flavor ng ice cream na gusto ni Zyline.

She actually asked for mango flavored ice cream 30 minutes ago. Now, she wants ube pastillas. Wala pa man ding malapit na convenience store sa bahay nila Hunter. Kailangan niya pang magpunta sa Supermarket.

Laking pasasalamat ng binata na wala si Mika ngayon sa bahay nila. Ang alam niya'y ngayong buwan ang balik nito. Hanggang ngayon, hindi pa nila nasasabi dito ang tungkol sa kalagayan ni Zyline.

Alam ni Hunter ang nangyari na naman kay Mika at sa nobyo nitong si Kerko. Gustong gusto niyang bugbugin si Kerko dahil sa ginawa nito sa kapatid pero si Thunder at si Daniel na ang nagsabi sakanya na ito na ang bahala kay Kerko. May mga bagay pa siyang kailangan intindihin.

Isa na roon ang babaeng kanina pa nakasimangot sa harap niya.

"Ano ba talagang gusto mo?" iritableng tanong ni Hunter. Tatlong buwan na ang dinadala ni Zyline at magpapacheck up na ulit ito sa makalawa.

Ilang flavor na ng ice cream ang nabibili niya pero laging inaayawan ng babae ang mga ito.

"Ube pastillas nga!" sabi ni Zyline sakanya. Medyo umbok na ang tiyan nito pero hindi maitatanggi na maganda pa din ang babae. Hindi maintindihan ni Hunter pero sa kanyang pakiwari'y mas bagay dito ang buntis.

For two months, wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang gusto nito. Minsan pa nga'y tatawag si Zyline sakanya ng alas tres ng madaling araw. Gusto lang siyang makita. Wala naman siyang magawa.

Ginawa niya 'yon, eh.

"Ano pa?" tanong ni Hunter. "Ano pang nasa isip mo, bibilhin ko na din!" asik niya dito. Wala pa siyang tulog ngayong araw dahil pinagpuyatan niya ang presentation para sa susunod na linggo.

"Wala na! Bilisan mo na kasi!" sabi naman ni Zyline sakanya.

Iiling-iling na tumayo si Hunter at kinuha ang sasakyan ng Hummer niya at lumabas na.

Hindi niya mapigilan mapamura. Hindi niya alam kung paanong nagagawang magtiis ng mga lalaki sa buntis na babae.

Pagdating niya sa department store, bumili agad siya ng iba't ibang flavor ng ice cream. Wala na siyang balak magpabalik-balik pa kaya sari-sari na ang binili niya.

Dapat pala'y tinawagan nalang niya ang secretary niya para nagpadeliver nalang siya sa bahay nila para sa dalaga, pero alam naman kasi niyang busy ito sa trabaho sa Summer's.

After almost 30 minutes, nakabalik na si Hunter. Naabutan niya si Zyline at Einah na magkausap. Naroon din si Theon na nilalaro ang toy cars nito.

"Tito Pogi!" masiglang bati ni Theon sakanya nang makita siya nito. He smiled at him. Agad niyang binuhat ito.

"How are you, little boy?" he asked him. Mas lumawak ang ngiti nito. "I'm fine. Mommy called Tita Noob. Tita Noob said she'll be here next next week..."

Napatingin siya kay Einah. Nagkibit balikat nalang si Einah sakanya. Iniiwasan kasi ng babae na pag-usapan ang tungkol sa nangyayari kay Mika dahil alam nila na gago nga si Hunter. At bilin din iyon ni Thunder sakanya.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now