Chapter 3

584K 11.4K 1.3K
                                    


Hi, guys. I'm inviting everyone to watch Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend. From July 20-31, every 9 pm :) Use #UnwantedGirlfriend sa twitter, ha? :)

--

Halos pasikat na ang araw nang umuwi si Hunter. Nagpalipas siya ng gabi sa opisina para tapusin ang mga kailangan para sa deal nila sa mga Koreano na makikisosyo sakanila. Gustuhin man niyang sisihin si Thunder dahil ito dapat ang maghanda ng mga ito, hindi niya magawa. Alam niyang abala ang kapatid sa pamilya nito... na nasa bahay nila ngayon.

Naulingan niya ang ingay sa library ng bahay nila kaya naman naglakad patungo roon si Hunter. May ilaw sa loob na siyang ikinataka ng binata.

Sino ba ang gagamit ng library nila ng ganito kaaga? Ang daddy lang nila ang alam niyang may ganyang habit pero imposible ng mangyari iyon. Lumapit siya dito at binuksang mabuti ang pinto. Napailing siya nang mapagtanto kung sino ang nasa loob.

"Seriously, Thunder? May balak ka bang manakot? Malayo pa ang araw ng mga patay." Pumalatak siya. Thunder's sitting on the couch wearing his pyjama's only. May nakasabit na puting t-shirt sa balikat nito at may hawak na papel.

"Yaan mo, ipagtitirik kita sa araw na 'yon. Makakaabot ka pa." Ani Thunder sa kapatid. Naisip niyang basahin ang ilang kontratang hindi niya masyadong napag-aralan dahil abala siya sa sariling pamilya. He woke up early and decided to read those documents. Ayaw naman niyang magising si Rain kaya sa library siya nagpunta. Hindi niya akalaing makikita siya ni Hunter. At mukhang kauuwi lang nito.

"Where have you been?" Thunder asked Hunter. Napailing naman si Hunter at ibinagsak ang sarili sa couch.

"I've been busy, too, brother..." He said. Tinanggal ang pagkakabutones ng pangalawa at pangatlong butones.

"Kailan ka ba titino, Hunter?" Tanong ulit ni Thunder sa kapatid. Nilingon siya ni Hunter at tsaka ito ngumisi. "Just because you're married now, kailangan kong magtino. Masyado akong gwapo para matali sa isang babae. Love's not true, bro. Nasa isip mo lang 'yan... or maybe, init ng katawan."

"Tangina mo." Tumayo na si Thunder at inilagay ang hawak na papel sa ibabaw ng mesa. "Huwag ka ngang naglalalapit kay Theon lalo pa kung ganyan ang maririnig niya sa'yo." Tinitigan siya ng masama ni Thunder.

"But I am right." He chuckled.

"Yeah, and you'll be damned if the girl for you came. Karmahin ka sanang gago ka." Ani Thunder. Lumakas naman ang tawa ni Hunter.

"Hindi mangyayari 'yon, Thunder." May kasiguraduhan sa tinig niya ngunit may isang partikular na mukha ang lumitaw sa isip niya.

Agad siyang umiling upang mawala ang imaheng 'yon. Tinignan naman siya ni Thunder. "We'll see." Ani Thunder bago lumabas ng library.

Sumandal si Hunter at ipinikit ang mata. Wala siyang balak magpatali o magkaroon ng commitment. Okay na siyang hanggang kama lang ang relasyon at malinaw sa mga ito ang limitasyon.

Tumayo na rin siya at nagtungo sa kwarto niya. Matapos hubarin lahat ng damit ay tumapat na siya sa shower upang mapreskuhan ang katawan. Hindi siya papasok ngayong araw para mas maayos ang kontrata. Gagawin nalang niya iyon mamaya paggising niya.

After wearing his boxers, ibinagsak na ni Hunter ang katawan sa kama. Nakadapa siyang natulog habang nakatodo ang air-con. Tinignan niya ang oras sa cellphone, 5 am... tantiya niya'y tanghali na siya magigising ngunit wala namang kaso. That'll be okay. Wala naman siyang ibang plano. Ipinikit niya ang mata at maya-maya'y iginupo na siya ng pagod at antok.

"Kuya, wake up!"

Isang boses ang tila nanggugulo sa maidlip na tulog niya kaya naman itinakip niya ang unan sa ulo.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now