Chapter 45

406K 10.5K 2.1K
                                    

Ang tagal ng update, no? Alam ko. Huhu. Sorry na. Mahal niyo naman ako, diba? :)

Last 6 chaps...

--

"Zy, are you sure you're okay to leave later?" tanong sakanya ni Bobbie habang nakaupo ito sa may sala ng bahay ni Blue. Hanggang ngayon ay doon pa din sila tumutuloy ng mga anak niya kahit pa nga sinabi na niya kay Blue na sa bahay nalang ng mga magulang nila sila titira ng kambal. Hindi siya kinibo ni Blue nang sabihin niya iyon kaya naman hindi nalang nagpumilit pa si Zyline. Ayaw na din naman niyang madagdagan pa ang samaan nila ng loob ng kapatid niya. Pabebe na nga si Blue, dadagdag pa siya.

Nabanggit sakanya ni Cyan na nasabi daw ni Cupid dito na hindi nag-uusap si Blue at Thunder kahit sa trabaho. Hindi niya maiwasang maguilty tungkol sa bagay na iyon. Gusto ni Zyline na kausapin si Thunder para naman maayos nito at ng kapatid niya ang hindi nila pagkakaintindihan. Bata pa lang ay magkaibigan na ang mga ito... they're actually brothers from different mothers. Tinginan pa lang ng mga ito'y nagkakaintindihan na ang mga ito.

"Wala namang masama, Bobbie," nagkibit-balikat si Zyline. Nakaupo siya habang nakatingin lang sa cake na nasa ibabaw ng lamesita. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpakawala ng buntong-hininga mula kanina pa. Pilit niyang iwinawaksi ang asawa sa isipan.

"Wala nga. Your brother will be there... his wife, your brother's friends..."

Lumipad ang tingin niya sa kaibigan. "Nandoon silang lahat?" tanong niya dito habang nakakunot ang noo. Tumango naman ito sakanya. Inimbitahan siya ni Bobbie na dumalo sa pagtitipon kung saan magsasama-sama ang mga matataas ang katungkulan sa gobyerno, maging ang mga negosyante sa bansa. Pupunta si Bobbie dahil pupunta ang ama nito. Dapat ay inexpect na niya iyon. Imposibleng walang Monteverde, Gonzales, De Guzman at Dela Cruz doon.

"Well, I saw their names on the guest list," nagkibit-balikat ito bago uminom ng juice. "Nasaan pala ang mga inaanak ko?" tanong nito sakanya bago luminga-linga para hanapin ang kambal.

"Sleeping..." sagot ni Zyline. Sa sobrang tuwa ni Cyan na magkakasama ang magpipinsan, pinilit nito si Blue na pag-isahin ang kwarto ng magpipinsan kaya naman napakalaki ng kwarto ng mga ito at sama-sama sila doon. Pumayag nalang din siya dahil tenporary lang naman iyon.

"Baka naman lumaking antukin ang mga bata, Zyline. Lagi nalang silang tulog..." natatawang komento ni Bobbie. Hindi naman kumibo si Zyline. Ibang bagay ang nasa isip niya at hindi niya magawang makipagbiruan din sa kaibigan. "Are you sure about the annullment?" tanong ni Bobbie habang nakatingin sakanya. Sumeryoso na din ang mukha nito. Kung mayroong taong hindi nahihiya si Zyline magkwento ng kung ano-ano ay kay Bobbie iyon.

Noong gabi na nagpunta si Hunter doon sa bahay ni Blue, tinawagan niya si Bobbie nang makauwi siya.

He said he loves her.

But his words aren't enough. Kulang na kulang ang sinasabi ni Hunter dahil iba naman ang nakikita ni Zyline. Kung sana'y ipinakita nito na hindi labis-labis ang pag-aalala nito kay Tanya'y hindi siguro ganoon ang nangyari sakanila.

Hindi nagsalita si Zyline. Sa halip, kinuha nito ang unan at niyakap iyon. Nakausap na niya si Blue tungkol sa annullment. Sinabi niya na gusto na niyang makipaghiwalay dito at kung maaari ay tulungan siya nito.

Iisa lang ang sinabi ni Blue sakanya.

~"Think about it."

"Zyline..."

Nag-angat siya ng tingin kay Bobbie.

"Ex na 'yon, diba? Bakit ganoon... bakit mas malaki pa din yung impact niya?" tanong ni Zyline. Napangiti siya ng malungkot. "Bakit parang mas mahalaga pa din siya?"

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now