Chapter 25

518K 9K 702
                                    

Meet up.
Nov. 15, 2015 (Sunday)
1pm. Wildlife (Near QC Circle)
For more info, join our facebook group.

And once again, dedma 'tong AN ko. What's new? K.

--

Wala namang maipipintas si Zyline kay Hunter sa pag-aalaga sakanya dahil nakikita naman niyang nag-eeffort din talaga ang binata. He was exerting an effort to please her. Ganyan.

Tulad nalang ngayon, papunta silang dalawa sa Sweer Desire para sa anniversary ni PJ at Stephanie. Sinabi nito sakanya na sabay na silang pumunta doon kaya naman pumayag na siya. Hindi din naman siya makakasabay sa kuya niya dahil up until now, dama niya pa din ang tampo nito sakanya.

Of course, alam niyang concerned pa din si Blue sakanya, she was his sister, 'di na mababago ni Blue 'yon. Masama lang siguro ang loob nito dahil sa nangyari pero umaasa naman si Zyline na maaayos din ulit ang samahan nila ng kapatid niya.

"Are you okay?" tanong ni Zyline kay Hunter habang nagmamaneho ito. Nakahawak siya sa tiyan niyang halata na ang pag-umbok. She's almost 4 months pregnant, ano pa ba ang aasahan. Plus the fact that she's carrying a twins.

Sa susunod na buwan o di kaya'y sa ika-anim na buwan pa malalaman nila Zyline at Hunter kung babae o lalaki ang kambal. Pero talagang malakas ang paniniwala ni Hunter na lalaki ito kaya ayaw na nitong mag-isip ng ibang pangalan maliban sa Keij at Kol.

It was actually Zeath Keij and Zeath Kol. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay sa pagpapangalan sa mga bata ng ganyan.

"Yeah, kulang lang sa tulog," sagot nito. "Did you take your vitamins?" tanong nito sakanya. Tumango naman si Zyline. That's one more thing about him. Lagi nitong ipinaaalala na uminom siya ng vitamins pati na rin ng gatas.

Bumalik na din kasi si Zyline sa condo niya. Not because ayaw na niyang makasama si Blue sa bahay nito pero kasi, ayaw naman niyang mag-away ito at si Hunter kapag nagpapang-abot sila. Hindi din naman siya pwedeng tumira sa bahay nila Hunter dahil nakabalik na si Mika. Wala pa man ding alam si Mika sa nangyayari sakanila ngayon ng kapatid nito.

"Nandun na kaya sila?" tanong ni Zyline nang wala na siyang maisipang sabihin dahil nanahimik na si Hunter.

"I don't know. They're not my friends," sabi nito na sa daan pa din nakatingin.

"Wala ka naman atang kaibigan, eh," bulong ni Zyline na tumingin nalang sa labas ng sasakyan. Kung minsan, nakakainis talagang kausap si Hunter. Iyong tipong okay kayo, akala mo, you're getting there already, tapos biglang magiging KJ na ewan. Isa pa ata 'tong pinagkaitan ng kasiyahan noong bata.

Wala ng kumibo sa amin hanggang sa makarating kami sa SD. Lahat sila, seryoso ang mukha nang makapasok kami.

"What's happening?" tanong ko kay Stephanie na naroon sa gilid at kasama sila Cyan, Rain at Cristine.

"Some drama," Cyan shrugged. "Thunder punched Kerko," sabi pa nito.

"What? Why?" tanong ko ulit sakanya.

"Ay nako, eh di parang version niyo din," sabi ni Cristine. "Sinapak ni Blue si Hunter kasi nabuntis ka. Sinapak ni Thunder si Kerko not because Mika's pregnant, okay? Sinapak ni Thunder si Kerko because of hurting Mika..." huminga ng malalim si Cristine.

"Iba kasi ata talaga ang impact if you have a sister tapos nakita mong nasasaktan..." sabi naman ni Stephanie. "Protective pa man din ni Thunder 'don kay Mika," iiling-iling na sabi pa nito.

"Pero mahal naman ni Kerko si Mika, eh," sabi naman ni Cristine.

"Buti nalang wala si Hunter kanina. Mas malaking gulo, mas mahirap umawat kung dalawa sila," sabi naman ni Rain sa tabi niya.

Hunter's Temptation Kde žijí příběhy. Začni objevovat