Chapter 36

454K 8.9K 1.1K
                                    


Twitter/askfm/IG: @vampiremims

--

Masama ang tingin ni Zyline kay Tanya nang humarap ito sakanya at ngumiti pa. Hindi niya naiwasang itaas ang isang kilay dito.

"Hi, Zyline..." bati nito sakanya. She was flashing her pearly white teeth, she's wearing red lipstick, too.

Inabutan naman ng wet tissue ni Rain si Hunter at itinuro nito ang pisngi. Agad namang pinunasan ni Hunter ang pisnging may bakas pa ng labi ng bisita nila.

"Tanya, what are you doing here?" tanong ni Thunder sa babaeng naroon. Tumayo pa ito at lumapit kay Zyline. Rain gave Thunder a little nod.

"Thunder," mahinang tinapik ni Tanya ang braso ni Thunder. "I just came here to visit Hunter..." nilingon niya si Hunter at ngumiti. "And of course, his wife Zyline and their twins..."

"Wala namang may sakit sa amin," ani Zyline sa babaeng kaharap. Tumayo na din si Hunter at lumapit kay Zyline. Inilagay nito ang kamay sa likod niya at hinapit siya papalapit sa katawan ng asawa.

"What brings you here?" seryosong tanong ni Hunter kay Tanya. Nag-angat naman ng tingin ang babae dito at ngumiti ulit.

"I'm just visiting you," ani Tanya sakanya. "Hindi kasi ako umabot sa meeting niyo ni Salvador, pagdating ko nakaalis na kayo..." she shrugged.

"Hindi ka naman kasali sa meeting, Tanya. So, I don't see any problem with that if you were late," ani Thunder sa babae.

Ngumiti naman si Tanya dito. "Hindi ako kasali pero asawa ako ng ka-meeting niyo. I'm a part owner of the farm, meaning, kasali ako, Thunder..." sabi ni Tanya bago muling tinapik ang braso ni Thunder.

Tumikhim naman si Rain at tumayo na din bago lumapit sakanila. "Hi, I'm Einah Villegas-Dela Cruz. Thunder's wife," pakilala ni Rain kay Tanya. Inilahad pa nito ang kamay sa babae. "Ngayon pa lang ata tayo nagkita, no?" sabi pa ni Rain sa babae.

"Hi, Einah. I'm Tanya Estrella," pakilala naman ni Tanya sa sarili at inabot ang kamay ni Rain.

"Ano talagang kailangan mo, Tanya?" tanong ni Zyline sa babae. Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil ni Hunter sa bewang niya na tila sinasabihan siyang kumalma lang siya. Panandaliang sinulyapan ni Zyline si Hunter at tinaasan ng isang kilay.

Tanya sighed. "I came here to visit--"

"Kanina mo pa sinasabing nandito ka para bumisita. At uulitin ko, walang may sakit sa bahay namin ng asawa ko para bisitahin mo," ani Zyline sa babae. Ikinuyom niya ang mga palad habang nakatingin kay Tanya.

"Ma'am..." untag ng isang kasambahay nilang may dala-dalang juice nila pati na ng bisita. Si Rain ang nag-estima dito habang nakatitig pa din si Zyline kay Tanya. She was just smiling at her.

"Zy," bulong ni Hunter sa may bandang tainga niya. Huminga ng malalim si Zyline bago nilingon si Hunter.

"Tanya, why don't you sit down first?" tanong ni Thunder sa unwanted visitor nila. Tinignan naman ni Rain si Thunder habang nakataas ang kilay. She wasn't happy about that arm-tapping gesture of Tanya. Kung makahawak naman kasi si Tanya kay Thunder, ganoon nalang. Kinindatan naman ni Thunder si Rain. Iiling-iling nalang si Rain na lumingon kay Zyline na masama pa din ang titig kay Tanya.

"What brought you here?" Thunder asked Tanya again. Nakaupo na ito at kaharap si Thunder na kalong-kalong na si Theon na may hawak-hawak na mga laruan.

Umupo na din si Zyline sa kaibayong upuan at tumabi si Hunter sakanya. Ang mga kamay nito'y nananatili sa bewang niya.

Malambing na tumingin si Tanya kay Hunter. She sighed before fishing something on her bag. "You left your phone," itinaas nito ang isang kamay at nakita ni Zyline ang cellphone ni Hunter na hawak nito. "And I came here to give it back to you," ngumisi si Tanya habang nakatingin kay Zyline. It was as if nababasa ni Tanya ang iniisip ni Zyline. Na para bang may idea ito kung bakit ganoon na lamang ang disgusto niya dito.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now