Chapter 26

462K 9.9K 922
                                    

twitter & ask.fm : @vampiremims

--

Bumaba na siya sa dining room makalipas ang ilang minuto nang makaalis si Mika. She felt bad. Nagi-guilty siya, eh. Alam niyang may mali sila sa nangyayari. None of them wanted this mess. Wala namang may gustong magkagulo silang lahat, eh. Pero nandito na, kaya hangga't maaari, inaayos nila ang problema nila.

Dapat naman talaga, noong una pa lang, sinabi na niya kay Mika. Or pinaalam man lang nila dito ang nangyayari sakanila ng kapatid nito. 'Yung relasyon niya at ni Hunter. She was part of the family. Kaya kahit anong mangyari, may karapatan si Mika'ng malaman ang tungkol sa pamangkin nito.

Naabutan niya si Mika at Hunter na nag-uusap sa may living room. Natigilan siya sa paghakbang.

"What's wrong with that?" tanong ni Hunter sa kapatid. "Ano bang kinagagalit mo?"

"Kuya, what's wrong? You're seriously asking me what is wrong? Many people lied to me, already. Ilang beses pa bang may maglilihim sa akin at magsisinungaling para lang maintindihan ko ang reasons niyong lahat? Para lang masabi niyong hindi ako mababaw at may dahilan kung bakit ganito ako ngayon?" tanong ni Mika kay Hunter. "I don't give a damn kung sinong idi-date mo, sinong mabubuntis mo... but the mere fact that she's my friend, na nagtiwala ako sakanya, sa inyo, sana man lang nakuha niyong ipaalam sa akin para may idea ako. Para hindi ako nagmumukhang tanga sa bahay na 'to!" malakas ang boses ni Mika kaya dinig na dinig iyon sa buong bahay.

"Michelle, look, we're going to inform you about this but you were in States with Mommy..."

"I already called Kuya Thunder, alam na niya pala 'to. Matagal na. Kahit si Mommy, alam na 'to. Even Yaya Lourdes! So ako nalang pala ang hindi nakakaalam? Ano ba ako sa buhay niyong lahat, display? Tapos ano? You'll just surprise me one day na may pamangkin na naman ako? That's bullshit!"

"Watch your language, Mikaela Michelle..." seryosong saad ni Hunter habang nakatingin kay Mika. "I know you're upset. But you're overreacting. It's Zyline, kilala mo naman. Dapat nga matuwa ka pa, eh," sabi ni Hunter.

Para namang napako sa kinatatayuan ni Zyline ang dalaga. Hindi siya makakilos habang naririnig ang pagpapalitan ng salita ng magkapatid.

"You know what, wala naman kasing problema sa akin na si Ate Zyline, eh. Kasi dapat alam mong susuportahan kita kahit anong mangyari kasi kapatid kita and I want you to be happy. I'll support Ate Zy because I know her, too. Susuportahan ko kayo, because I am sucker for happy endings... Kaso wala, eh. Pinagmukha niyo lang akong tanga," she said sarcastically.

"You were problematic because of your asshole ex-boyfriend, what do you want us to do? Sabihin sa'yo para mas magdrama ka pa?" tanong ni Hunter sa kapatid.

"That's the problem with all of you! Wala ka ding pinagkaiba kay Kerko niyan, eh. Ang liit ng tingin niyo sa akin. Pakiramdam niyong lahat, hindi ko maiiintindihan. Hindi ko kakayanin... kilala niyo ako pero kayo mismo, walang tiwala sa akin!"

"Michelle, that's not it. We're just trying to protect you and--"

"By keeping a secret to me?" putol ni Mika sa sinasabi ni Hunter. "Sige, OA na. Mababaw na. Maarte na. Lahat na. Hindi ako makikialam sa desisyon niyo. You won't hear anything from me. Tutal naman, display lang ako dito, diba? Hindi mahalaga ang opinyon ko," masama ang loob na sabi ni Mika sa kapatid.

"Mika..."

Lumingon naman ang dalaga sakanya. Hindi agad ito nagsalita. Tinignan lang siya nito pababa sa tiyan niya. "Congrats. Welcome to the family..." she said emotionless. "I have to go," sinabi nito bago dinampot ang bag at naglakad palabas.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now