Chapter 39

489K 8.8K 1.7K
                                    

Check CLOUD MONTEVERDE's story. "Seulement Vous" :) I'm kinda starting to write 2nd generation's stories na din. Tatapusin ko lang ito at si Hunter. Thank you! :)

Sorry sa matagal na update.

--

Maagang gumising si Zyline para ipagluto si Hunter ng almusal. Bukas na ang balik nila sa Maynila kaya naman sinusulit na din nilang dalawa ang pagkakataon at oras na mayroon silang dalawa.

Matapos siyang maglinis ng katawan, iniwan na niya si Hunter na nakadapa sa may kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibabang parte ng katawan nito. His back muscle's sexy as fuck. Parang ang sarap-sarap hawak-hawakan. Ang sarap kapitan lalo na kapag ginagawa nilang dalawa ang isang bagay na gustong-gusto ni Hunter na ginagawa nila.

Tinawagan niya si Rain nang makababa na siya ng bahay. Miss na miss niya na din kasi si Keij at Kol. She was checking the twins from time to time, at masaya naman si Rain sa pag-aalaga sa kambal. She said Kol's not giving her a hard time, si Keij daw talaga ang malikot at kahit si Theon, hinihila ni Keij ang buhok kapag natutulog sila at katabi nito si Theon.

"Morning, Rain!" bati niya kay Rain. Nilagay niya din sa speaker ang phonenniya para makakilos siya habang nakikipag-usap sa babae.

"Morning, Zy, what's up?" tanong ni Rain sakanya. Naalala naman ni Zyline ang nangyari noong nakaraan. "Is Thunder, there?" tanong niya dito habang inaayos ang mga lulutuin niya. Kanina pa din niya iniisip kung ano ang ihahanda para sa almusal nila. Lagi nalang kasing si Hunter ang nagluluto para sakanilang dalawa kaya naman gustong bumawi ni Zyline.

"Wala siya, kasama ni Theon, nagsswimming silang mag-ama," sagot naman ni Rain sakanya. Nakahinga ng maluwag si Zyline. Ayaw na niyang maulit ulit ang nangyari noon. Naeeskandalo talaga siya kapag ganoon ang usapan nila. Kahit pa nga si Hunter pa ang asawa niya at sobrang blunt naman ng asawa niya, hindi pa din niya kayang makipagsabayan sa mga ito.

"Buti naman," bumuntong-hininga siya. Natawa naman si Rain na nasa kabilang linya. "Sorry about that, Zy. Nasanay na kasi akong ganon si Thunder. Masasanay ka din, Hunter's your husband," dagdag pa nito. Napapailing nalang si Zyline habang naghihiwa ng bawang. "Ewan ko, maybe masasanay ako but... not now, I guess?" sinundan niya ito ng tawa.

"You'll get used to it, don't worry," ani Rain. "Anyway, mamamasyal kami nila Theon and your twins. Kasama din si Mika so... abangan mo nalang ang pictures mamaya," pagpapaalam ni Rain sakanya.

"Okay, just text me kung magkano ang magagastos mo para sa kambal, okay?" sagot niya dito.

"Don't worry about that. Nasa akin ang credit card ni Thunder," humahalakhak na sagot ni Rain sakanya. Natawa nalang din siya.

"Sige, I have to go, gising na si Keij..." sabi ni Rain. "Hunter na Hunter sa kulit 'tong batang 'to. Sana hindi lumaking babaero!" sabi ni Rain. "I'll put you on speaker, talk to them."

"Hi, Keij. Hi, Kol!" sabi niya sa kambal. Narinig niya naman ang pagtawa ng kambal. "Huwag pahirapan si Tita Rain and Tita Mika, okay? I love you! See you tomorrow!"

"I'll call you later, Zy. Bye!" ani Rain bago ibinaba ang tawag niya. Masigla namang nagpatuloy si Zyline sa pagluluto ng almusal nilang dalawa ni Hunter. She was wearing his shirt. Wala siyang suot na bra pero may panloob naman siya sa ibaba.

She was also humming a song while cooking. Alam niyang mamaya pa magigising si Hunter dahil pagod ito. Kahit naman siya'y nanghihina pa.

Hindi biro ang limang rounds.

Pero gusto kasi talaga niyang lutuan si Hunter ng almusal kaya pinilit niyang bumangon.

Matapos magluto, agad na nagtimpla ng kape si Zyline. Inayos niya din ang paghahain sa lamesa. She's pretty sure, Hunter would love it.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now