Epilogue (REPOSTED)

598K 10.1K 879
                                    

I'll post the DETAILS about HT book here. Ilalagay ko po kung saan at paano oorder, pati ang pagbabayad. Stay put, guys. Hihi.

PS. Sana yung demanding sa update, bumili ng book, ano po? Mehehe.

PPS. Walang special chapter dito. Lahat po, nasa book. I repeat, nasa book. :)

--

It's been a week...

Isang linggo na ang nakalipas mula noong umalis si Hunter.

Napabuntong-hininga na lamang si Zyline. Itinaas niya ang kamay at tinignan ang singsing na naroon. Napangiti siya.

She's still Mrs. Dela Cruz. Kahit pa umalis si Hunter, nananatili siyang asawa nito. Iyon nalang ang nasa isip niya. Kinausap niya si Blue at Thunder na hindi matutuloy ang annulment. Sinabihan pa niya si Thunder na kung gusto ni Hunter na gawin iyon, ito ang magdala sakanya ng papeles. Pero kahit naman gawin iyon ni Hunter, hindi siya pipirma.

Hindi naging madali sakanya na tanggapin na bigla na lamang itong umalis. Ang sabi ni Thunder ay hindi na din nila macontact ang lalaki. Ni hindi ito nagsabi kung nasaan na ito... walang may alam ni isa sakanila. Wala din itong tinatawagan sino man sakanila. Kahit si Daniel na pinsan nito ay inaalam kung nasaan na ang asawa niya.

Bumangon na siya at umupo sa kama. posible pala iyon... ang makaramdam na meron ka ng lahat, pero para kang walang-wala. She felt empty... she felt lost. Pakiramdam niya ay ang laking bagay ang nawala sakanya. She felt like there's a big hole in her chest...

Pero laging iniisip ni Zyline si Keij at Kol. Kaya pinipili niyang maging matatag. Nilingon niya ang singsing ni Hunter na nasa tabing lamesa ng kama niya. Naroon din ang picture nilang mag-asawa. Mayroon ding picture nilang buong pamilya. Alam niyang babalik si Hunter... babalik ito dahil na din sa kambal.

Bumalik na sila ng mga anak niya sa bahay nila. It was the same house, but she felt different.

Wala na ang mga tawa ni Hunter... ang mga ngiti na sumasalubong sakanya sa umaga. Ang mga yakap nito tuwing nakikita siya. Ang pag-aalaga nito sakanya. Ang pangungulit nito, pang-aasar, maging ang pagyayabang nito kung gaanoo ito kagaling sa kama... wala na lahat.

God, sobrang nagpakabulag ba siya? Hindi niya nakita ang mga ginagawa ni Hunter para sakanya. Naging selfish siya at sarili lang niya ang inintindi niya. She was busy dealing with her feelings... hindi niya naisip na nasasaktan din si Hunter.

Muli, nagpakawala ng malalim nabuntong-hininga si Zyline at tumayo na mula sa kamang hinihigaan niya. Nagtuloy siya sa banyo para maghilamos at magsepilyo bago pinuntahan ang mga anak niya. It's another day... panibagong araw na aasa siya na makikita si Hunter at magiging maayos na ang lahat...

"Ang gwapo naman ng kambal ko..." ani Zyline nang makita ang dalawang bata. Napaliguan na ito ng mga yaya nito at nabihisan na din. Kasalukuyan itong gumagapang at nagkukulitan. Kinakagat-kagat ni Keij ang braso ni Kol habang pilit namang lumalayo ng huli sa una.

"Kumain na ba sila?" tanong niya sa mga yaya nito. Tinanguan naman siya kaya ngumiti nalang siya. "Naka-ready na ba yung gamit nila? Para mamaya sa Sweet Desire, kapag sinumpong 'tong dalawang 'to, hindi na tayo matataranta..." ani Zyline na kinarga si Keij dahil nanggigigil na ito sa pagkagat kay Kol.

Noong nakaraan kasi na lumabas sila'y nataranta ang mga yaya nang ayaw tumahan ni Keij sa kakakaiyak. Sinundan pa ito ni Kol.

Nanahimik lamang ang mga ito nang aksidenteng maidikit ni Zyline sa dalawa ang panyo na ginagamit ni Hunter.

Kahit di pa nakakapagsalita, dama ni Zyline na miss na miss na ng mga anak niya ang asawa. Siya man... miss na miss na niya ito. Kaya lagi na din silang nagdadala ng kahit na anong gamit ni Hunter.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now