Chapter 22

434K 10.8K 2.5K
                                    

Grabe kayo sa akin. Haha. HINDI AKO BUNTIS! Craving lang, loves. Hihi. Pero may nabasa akong magdadala ng Toasted Siopao sa akin. Wag mo 'ko paasahin! HAHAHAH! ^_^

--

Kanina pa nakatayo si Hunter sa labas ng Sweet Desire habang nasa loob pa rin si Zyline kasama ang ibang mga babae.

Pinalabas sila nila Stephanie nang biglang nagpunta si Zyline sa banyo nang maduwal ito bigla. She told them they need some time alone. Yung puro babae lang.

"Ano bang kinain ni Zyline?" tanong ni Cupid kay Blue na kanina pa nagpupumilit pumasok sa loob pero sinigawan ni Cristine kaya naman walang nagawa kundi tumabi nalang sa mga kaibigan nito.

Hindi maiwasan ni Hunter titigan ng masama si Cupid. Bakit concern ito kay Zyline? May asawa na si Cupid, diba? May feelings pa ba ito sa dalaga?

Napakuyom ang kamao ni Hunter.

"Ang bobo mong gago ka," sabi ni PJ kay Cupid. Umupo si PJ sa tabi ni Blue bago lumingon kay Hunter na nakasandal lang sa pader.

"Anong plano?" tanong ni PJ kay Blue.

Umiling si Blue sa kaibigan. Seryoso ang mukha nito habang tila may malalim na iniisip.

Nakaupo naman si Thunder sa kaibayong upuan at nakatingin kay Hunter.

Zy might be pregnant.

At obviously, ang kapatid niya ang tatay.

Hindi mapigilan ni Thunder mapamura. Kilala niya si Hunter. Hindi papayag si Hunter sa bagay na maiisipan nilang gawin nito. He'd say he could decide on his own, hindi sila kailangan nito. He was always like that. Ayaw nitong tumanggap ng tulong o kahit ng payo mula sa kung sino man sakanila.

"May boyfriend ba si Zyline?" tanong ni PJ kay Blue. They were clueless. Or maybe, masyado lang itong focused sa mga asawa nito kaya wala ito at si Cupid na idea sa nangyayari. Sila lang naman ni Thunder ang nakakaalam ng nangyayari. Kapatid nila ang involved, hindi na nila dinamay ang dalawang gago.

"Akala ko yung gay best friend niya ang lagi niyang kasama?" tanong naman ni Cupid kay Blue.

Napailing nalang si Hunter habang nakikinig sa usapan ng magkakaibigan sa harap niya.

Blue shrugged. Napalingon siya kay Hunter na nakatingin lang din sakanya.

He badly wanted to hit Hunter. Pero si Zyline ang nakiusap sakanyang pabayaan nalang ito. Thunder talked to him, as well. Sabi nito'y ito na ang kakausap sa kapatid kaya naman pinabayaan niya nalang ito.

Pero ibang usapan na kasi kung naaargabyado na talaga ang kapatid niya.

"Parang kailan lang pinag-uusapan ang madadagdag sa mga bata, ngayon parang may nadagdag na nga," sabi ni PJ bago sumandal sa upuan. "At mukhang alam ko na ang nangyayari," ngumisi ito bago tinapik ang balikat ni Blue. "Tanggap mo na ba?" tanong pa nito sa kaibigan.

"Tigilan mo nga muna ako," sagot ni Blue. Huminga ito ng malalim bago tumingin kay Thunder na seryoso pa din ang mukha.

"Tangina niyo, wala naman akong maintindihan," sabi ni Cupid na ipinatong nalang ang ulo sa lamesa at pumikit.

Naglakad nalang palayo si Hunter at umupo sa pinaka-malayong upuan na naroon. For him, being with them sucks. Hindi naman kasi niya kaibigan ang mga ito. Hindi niya naiintindihan ang mga gusto ng mga ito.

Huminga siya ng malalim.

He wanted to hit something. Ang gago niya talaga.

He was making sure he's always protected. But Zyline's messing up witn his head most of the time.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now