Chapter 18

510K 8.7K 715
                                    

--

Paggising ni Zyline kinabukasan hinanap niya agad si Hunter sa tabi niya. Napabangon siya nang wala man lang makapang kahit ano sa tabi niya. She looked at her watch beside Hunter's watch. It was almost 11 in the morning.

Hindi niya napigilan mapamura. This wasn't her place! Bakit naman tatanghaliin siya ng gising, diba? Nakakahiya kay Hunter. Pero pinagod naman kasi siya nito kagabi!

Mabilis lang na naligo at nag-ayos ng sarili si Zyline. Dahil basta na nga lang dumampot si Hunter ng mga damit sa mall kahapon, wala siyang nagawa maghanap ng pinaka-disente sa mga gamit na nabili nila.

Basta nalang din ipinusod ni Zyline ang buhok tsaka bumaba ng bahay. She's really thankful at hindi talaga mukhang haunted house ang malaking bahay. Nakatulong ang mga salamin na dingding na tanaw ang labas mula sa loob.

The house, it makes her feel comfortable. But at the same time, pakiramdam ni Zyline, may hindi siya maipaliwanag na bagay sa bahay. Para kasing gusto ni Hunter dito but at the same time, ayaw din nito. What's with this house?

"Hunter?" she called him. Gaya ng sabi ni Hunter sakanya, walang tao dito. Sino ba ang dapat hanapin niya maliban sa binata?

"Hunter?" tawag niya ulit. Luminga-linga pa siya sa paligid pero wala si Hunter. He's nowhere to be found. Hindi naman siguro siya iniwan ng binata doon.

Napatingin siyang muli sa malaking portrait na naroon. Napatingin siya sa mukha ng pinakamatandang lalaking naroon. Kilala naman ni Zyline ang mga magulang nila Hunter. They're friends with her parents as well. Kaya nga magkakaibigan sila Blue, Thunder, Cupid at PJ, eh.

Their dad was so strict, alam ni Zyline iyon. Ilang dinner na ang napagsamahan nila kasama ito, minus Hunter at masasabi niyang may pagka-istrikto talaga ito. Well, her dad was strict, too. Pero hindi naman umabot sa punto na kinukumpara siya nito kay Blue. Being compared to someone else hurts.

Muli, napagawi ang tingin niya sa mukha ni Hunter. He's really handsome. Bata pa lang kasi, nakikita na agad na lalaking napakagwapo ni Hunter. But looking at the picture, pakiramdam ni Zyline, ang daming emosyon sa mga mata nito. Mas lalo siyang na-curious sa binata. Para kasing bata pa lang, ang misteryoso na nito.

"Gising ka na pala?"

Halos mapatalon sa gulat si Zyline nang biglang may nagsalita sa likod niya. Isang matandang babae na nakasuot ng duster na bulaklakin at nakapusod ang buhok ang nakita niya.

"Uh, good morning po..." pagbati niya dito. Ngumiti naman sakanya ang matandang babae. "Magandang umaga din, ineng. Nagugutom ka na ba?" tanong nito sakanya. Umiling siya. "Si Hunter po?" tanong niya sa matandang hindi pa din niya alam ang pangalan.

"Kasama ni Isko, naglibot-libot. Bilin ni Hunter ay pakainin kita kapag nagising ka na..." ngumiti ang matandang babae sakanya. "Ako si Lorena, ineng. Asawa ko si Isko..." pakilala nito sakanya. Tipid naman siyang ngumiti sa matanda.

"Anong oras daw po babalik si Hunter?" tanong ni Zyline kay Aling Lorena habang nakasunod dito sa pagpunta sa kusina.

"Mamaya pa siguro 'yon ng tanghali babalik. Napakahilig kasi ni Hunter maglibot dito kaya pihadong mamaya pa ang balik ng batang 'yon..." sagot nito sakanya. "Ano bang gusto mong kainin?" tanong ng matanda kay Zyline.

Bigla naman siyang nakaramdam ng gutom ng makita ang mga nakahain na pagkain. Mas masaya sana kung kasalo niya si Hunter sa pagkain pero hindi naman niya alam kung nasaan ito.

Umupo nalang siya at nagsimulang kumain ng mga inihanda ni Manang Lorena. She was telling her stories about Hunter's past. Naaaliw naman si Zyline dahil magiliw ang matandang babae sa pagkukwento.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now