Chapter 32

474K 9.9K 1.6K
                                    

Twitter/askfm/IG: @vampiremims

--

"Kuya!"

Napabalikwas ng bangon si Hunter mula sa couch nang biglang sumigaw ang kapatid na si Mika. Nahulog pa siya dahil sa sobrang taranta niya. They were still in the hospital. Tatlong araw pa lang mula nang manganak si Zyline. Akala naman niya'y kung ano na ang nangyari sa mga anak niya at sa asawa niya.

Agad na tinignan niya si Zyline na nakahiga sa kama at natatawa din dahil sa reaksyon niya. He looked at Mika and frowned.

"What the fuck is your problem?" tanong ni Hunter sa bunsong kapatid. May hawak-hawak itong apple na binabalatan nito.

"Nothing," she shrugged and smiled at him. "Mamaya kasi dadalhin 'yung twins dito. You're still sleeping!" she rolled her eyes. "Tapos papasok 'yung mga nurses dito, kitang-kita ka diyan na natutulog with your mouth open and you're snoring pa and--"

"Gwapo ako kahit tulog," putol ni Hunter sa sinasabi ng kapatid.

"Whatever," inirapan siya nito at muling bumalik sa pagbabalat ng hawak nitong mansanas. Sigurado si Hunter na masusugatan ni Mika ang sarili niya kapag 'di pa ito tumigil. Clumsy as ever.

Napapailing na humiga ulit si Hunter sa couch. Hirap na hirap na nga siyang pagkasyahin ang sarili sa maliit na higaan, bigla pa siyang iistorbohin ng kapatid niya. Napapamura nalang tuloy siya sa isipan niya. Bakit ba kailangang puro bungangera ang mga babaeng mahal niya?

Kung minsan tuloy nahihiling nalang ni Hunter na puntahan ni Kerko ang kapatid niya, eh. Kahit pa hindi boto si Hunter sa binatang iyon, at least alam naman nito kung paano patatahimikin si Mika.

"Hun, pwede ka naman kasi dito, eh..." sabi ni Zyline na tinapik pa ang kamang hinihigaan nito.

Tinignan niya ito bago umiling. "Nah, I'm fine here. Besides, you need to rest," sabi pa niya sa asawa.

Wala pa siyang isang minutong nakahiga nang bumangon siya ulit. Hindi na din naman siya makakatulog, eh. Masama ang tingin na pinagmasdan niya si Mika nang naglakad siya papunta sa banyo para magbawas ng tubig at para na rin maghilamos.

After Zy gave birth, hindi na malaman ni Hunter kung paanong nagbago ang buhay niya. Gusto niyang maging 'yung lalaking ipagmamalaki ni Zyline na siya ang asawa nito... pero dahil alam niyang gago siya, kailangan niyang paghirapan ang pagbabagong gusto niya.

Nang malaman niyang nanganak si Zyline, kahit pa may-ari ng malaking kompanya sa China ang kausap niya, hindi siya nagdalawang isip na iwan ito. He was so stupid. Dapat ay hindi nalang siya umalis dahil nagsabi si Zyline sakanya kagabi na medyp sumasakit na ang tiyan nito. Pero noong kinaumagahan naman nang nagtanong siyang muli, she told him she was fine. Di naman niya akalain na manganganak na ito.

He wanted to punch himself. Gusto niyang saktan ang sarili dahil naisip niyang mag-isa si Zyline sa panahong kailangan siya nito. Gago na nga siya, mas naging gago pa siya sa nangyari. Sa ginawa niya.

"Kuya, andito na sila Kol..." he heard a knock. Nagpunas lang siya ng mukha bago lumabas.

Zyline was smiling at him. Itinabi dito si Kol habang si Keij naman ay inabot sakanya. The first time he tried to carry Keij, tawa ng tawa si Zyline sakanya. Para daw kasi siyang takot na takot.

Hell, he was really scared.

Paano kung maihulog niya ng hindi niya sinasadya? They were so small and they were his.

Napangiti naman siya nang umupo siya sa tabi ni Zyline.

"Kailangan na pong i-breastfeed 'yung kambal," sabi ng nurse kay Zyline.

Hunter's Temptation Où les histoires vivent. Découvrez maintenant