Chapter 46

396K 9.4K 1.5K
                                    

May plano po akong iself-pub si Hunter. I'll announce the details soon para sa mga gustong umorder.

Join the group din para updated po kayo. Search for Vampiremims Stories on facebook. Thank you. :)

--

Kanina pa bored na bored si Hunter sa party na pinuntahan nila. Isa lang ang inaabangan niya sa gabing iyon... ang pagdating ng asawa niya na hindi naman niya malaman kung bakit ang tagal.

Nakausap niya kanina si Thunder at kinumpirma nito sakanya na darating si Zyline ngayong gabi, ayon na din kay Cyan. Ang hindi niya ikinatutuwa ay ang pagdalo nito kasama si Roberto.

Kung bakit ba panay ang dikit ng lalaking iyon sa asawa niya'y di niya alam. Hanggang ngayon ay nagpapanggap pa din itong bakla kay Zyline. Talaga bang hindi mapansin-pansin ni Zyline na lalaki iyon at hindi binabae? She should stay away from Mikaela Michelle...

Hindi napigilan ni Hunter mapailing. Kanina pa niya hawak ang isang stick ng sigarilyo pero hindi niya sinisindihan. He used to smoke before... pantulong niya sa pagtanggal ng stress na nararamdaman niya. Pero hindi na niya ginagawa iyon ngayon... Zy's his stress reliever... but she's also the one who's giving him stress. How ironic. Muli, napailing nalang si Hunter habang nilalaro-laro ang isang stick na nasa kamay niya.

"What are you doing here?" tanong ni PJ sakanya nang nagpunta din ito sa open space ng pinagdadausan ng party kung saan napili ni Hunter na umupo at mapag-isa. Nagkibit-balikat lang si Hunter. Hindi naman sila close ni PJ, bakit niya kakausapin ito? As far as he's concerned, ang mga kapatid niya ang kaibigan nito.

"How's Thunder?" PJ asked him again.

"Well he can still fuck hard, I guess..." he replied. Hindi naman siya mukhang nasa information table, hindi niya tuloy maiwasang mainis nang sakanya nagtanong si PJ.

"Tangina. Dela Cruz nga 'to," iiling-iling na sabi ni PJ sakanya. Hindi naman nagkomento si Hunter sa sinabi nito. Ano ba ang inaasahan nitong isasagot niya sa tanong nito? Kung gusto nitong kamustahin si Thunder, pwede namang ang kapatid niya mismo ang diretsong tanungin at hindi na siya. Pwede ding si Einah. Bakit siya pa ang ginugulo nito?

"Seriously, Hunter. How's Thunder?" he asked again. Nilingon na ni Hunter si PJ.

"What do you think?" pagbabalik tanong niya dito.

"Problematic," sagot ni PJ sakanya. Hinintay niya pa ang ibang sasabihin nito kaya hindi siya nagsalita.

"You know that Thunder will choose you over Blue, right? Because you're his brother... but can you fix your mess, too, Hunter?" ani PJ sakanya.

Tinignan naman ni Hunter si PJ ng may halong talim.

"Yeah, I'm prying with your problem, Hunter. Dahil naaapektuhan na ang lahat..." sabi ni PJ kahit pa wala pa siyang sinasabi dito.

"Eh, 'di wag kayong maapektuhan. Kayo lang naman 'tong nakikialam," sarkastikong sabi niya kay PJ. Wala naman siyang sinabing idamay ng mga ito ang mga sarili nito sa problema nila pero ngayon, tila kasalanan niya pang nadadamay sila.

"Tangina, sana nga pwedeng 'di maapektuhan. Kaso si Thunder at Blue ang nagkakasira. Wala ka bang pakialam kay Thunder? Kasi kung wala, tangina, ipapapatay ko nalang 'yon para tapos na..." seryosong sabi ni PJ kay Hunter. Halatang nagpipigil na din ito ng galit base sa pagkakayukom ng kamay nito. Ito at si Cupid ang nakaisip na kausapin si Hunter tungkol dito.

Naisip nila na mas mainam sigurong magbawas ng problema si Hunter nang sa ganoon ay unti-unting gumaan ang dalahin nito. Si Thunder lang naman ang madalas na nakakasama ni PJ at Cupid dahil umiiwas si Blue kay Thunder.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now