Chapter 31

498K 11.6K 2K
                                    

Twitter/askfm/IG --> @vampiremims
FB group --> Vampiremims Stories

--

"Morning..."

Mahinang napaungol ang dalaga nang maramdaman niya ang paghalik sa leeg niya nang lalaking katabi niya sa kama. Huminga siya ng malalim bago mas isiniksik pa ang sarili sa katawang nakayakap sakanya.

She heard him chuckled. Napangiti si Zyline.

"Wake up now, Zyline..." malambing na sabi ni Hunter sakanya habang kinakagat-kagat ang leeg niya. Hindi naman niya napigilang mapahagikgik. Malakas ang kiliti niya sa leeg at isa pa nakakakiliti naman talaga ang ginagawang paghalik ni Hunter sa leeg niya dahil hindi lang basta humahalik si Hunter. He was sucking and nibbling her neck.

Today was her first day as Mrs. Dela Cruz. Bilang asawa ni Hunter Ezekiel Dela Cruz.

Halos anong oras na din sila nakauwi kagabi galing sa reception sa Autumn's. Matapos kasing kumain ay may mga nag-inuman pa. Hindi naman maidahilan ng mag-asawa na maghohoneymoon sila sapagkat napag-usapan na nilang hindi sila aalis ng bansa dahil na rin sa kondisyon ni Zyline.

In less than 4 months, manganganak na siya. Makakasama na nila si Keij and Kol. Everyone's excited. Lalo na si Zyline. Sabik na siyang makita ang kambal na binuo nilang dalawa ni Hunter.

"You should stop moaning now, Zy..." Hunter whispered.

Kumunot naman ang noo ni Zyline at tinignan si Hunter. Iniisip kung ano ang sinasabi ng lalaki. Tila naintindihan naman ni Hunter ang tumatakbo sa isip ng asawa kaya hinawakan nito ang kamay at dinala sa pagitan ng mga hita nito.

Hindi napigilan ni Zyline mapasinghap nang maramdaman ng kamay niya ang buhay na buhay na parteng iyon ng katawan ni Hunter.

Hunter smirked at her. "Stop it now," he said and then removed her hand on his groin. "Masakit na, eh."

Napangiti naman si Zyline. Mabilis na hinalikan siya ni Hunter sa labi bago lumayo sakanya.

"Where are you going?" she asked him. Nilingon naman siya ni Hunter bago nagkibit-balikat at tumingin sa namumukol na hinaharap nito. "I'll deal with this first," ani Hunter bago pumasok sa loob ng banyo at isara ang pinto.

Napapailing naman na bumangon na si Zyline at inayos ang sarili. Sa banyo sa baba nalang siya naghilamos at nagsepilyo dahil na din sa pag-okupa ni Hunter sa banyo na nasa kwarto nilang dalawa.

She glanced at the wall clock hanging on the wall. It was almost 2 in the afternoon. Ganoon sila kapagod ni Hunter? At wala pa silang ginawang dalawa, ha?

Naghihikab na tinignan ni Zyline ang mga regalo sakanila ng mga bisita kahapon. Her parents gave them tickets. Trip to Europe. Sila ang bahala kung kailan nila gagamitin kaya iniisip ni Zyline na pagkapanganak nalang niya siguro sila mamamasyal ni Hunter doon. Ang mommy naman ni Hunter, niregaluhan silang dalawa ng rest house sa Palawan. Hindi na nagtaka si Zyline doon. She heard her last night, kapag si Mika daw ang nag-asawa, mas bongga pa ang regalo nito sa nag-iisang anak na babae.

Wala pa silang nabubuksan ni Hunter na regalo dahil sa pagod kagabi. But she rememembered Cupid told her something. 'Yung regalo daw nila ni Cristine, maliligayahan silang dalawa ni Hunter.

Agad na hinanap niya ang sinasabi ni Cupid na regalo at binuksan ito. Halos manlaki naman ang mata ni Zyline nang bumungad sakanya ang...

"What's that?" Hunter asked her by surprise.

"Ha?" nag-angat siya ng tingin dito tapos ay bumalik sa laman ng box na regalo ng gagong si Cupid.

"What the fuck?" lumapit si Hunter sakanya at kinuha ang regalo ni Cupid at kinuha ang isang naroon na kulay pink pa! She was now mentally killing Cupid. Ano bang pumasok sa isip 'non at niregaluhan siya nito?!

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon