Chapter 28

426K 9.4K 709
                                    

Meet up. (Resched)
Nov. 22. 1pm. Wildlife.
Sali po kayo sa FB group to know the details. :)

PS. Dami kong typo last update. Sorry, madaling araw nagtatype. Lutang ako.

--

Dahil sa nangyari sa bahay ng mga Dela Cruz, minabuti na ni Zyline na sa bahay nila umuwi. Isinama siya ng mga magulang pauwi sa bahay nila kaya naman hindi na natuloy ang quickie nila ni Hunter. They were also the one who's planning the wedding. Lalo na ang Mommy niya at ang Mommy ni Hunter.

Lagi naman siyang dinadalaw ni Hunter sa bahay nila dahil hindi na siya masyadong naglalalabas. Doon nalang din siya pinupuntahan ng trainer niya para naman makapag-stretching at exercise pa din siya kahit buntis siya. Doon nalang din si Zyline gumagawa ng sketches ng mga design para sa bahay na gusto niya kapag wala siyang magawa.

"What are you doing?" tanong ni Hunter sakanya nang minsang bumisita si Hunter sakanya. Ipinakita naman ni Zyline ang sketch niya sa binata. "Nabobored na kasi ako," sabi niya dito. "So, ayan... design ng bahay," nagkibit balikat siya. "That's the master's bedroom. Hindi pa detailed 'yan kasi hindi ko naman alam ang mga gusto mong ilagay diyan," turo niya sa papel. Inilipat niya ito sa kasunod. "Ito naman 'yung sa nursery, tapos--"

"Wait," sabi ni Hunter sakanya. He looked at her sketchpad. "Nursery 'to?" tanong ng binata sakanya. Tumango naman siya. Kinuha nito ang lapis mula sakanya at umayos ng upo.

"What are you doing?" tanong ni Zyline na nakakunot ang noo. Pinagmasdan niya si Hunter na seryosong-seryoso sa pagguhit ng kung ano. Ano bang binabago nitong lalaking ito sa drawing niya?

"Lalaki ang anak natin, Zyline. Ang daming kaartehan ng nursery mo," sabi nito habang nakatingin sa papel. "Too many designs. May balak ka bang gawing human Ken ang anak natin?" tanong ni Hunter sakanya.

Napasimangot naman si Zyline. Gusto kasi niya ng babaeng anak talaga. Gusto niya 'yung may binibihisan. Inaayusan ng buhok... kaya nga tuwang-tuwa siya kay Caryl at Lean dahil nagiging human doll niya ang mga bata. Sinimplehan na nga lang niya ang designs, eh. 'Yung naunang ginawa niya noon na nursery ng magiging anak niya, napakarami talagang designs. Iniisip pa nga ni Zyline na magkakaroon ng murals ang kwarto ng anak niya tapos it's either unicorn or butterflies.

"Ang edgy naman niyan," sabi ni Zyline. "Puro kanto, masyado pang manly..." komento ni Zyline nang ipakita ni Hunter ang ginawa nito sakanya "Mamaya magmana pa sa'yo ang kambal niyan. Eh di tatlo na kayong sakit sa ulo," sabi pa ni Zyline. Tama na ang isang cold and heartless beast. Kung tatlo sila, God! Ewan nalang ni Zyline kung magiging normal pa takbo ng isip niya.

"Kesa naman sa mukhang may nagsuka ng rainbow na gawa mo?" hindi nagpapatalong sagot ni Hunter. "At walang masama kung magmamana sa akin si Keij at Kol. Laking tuwa pa nila kapag nagkataon. Iilan lang binibiyayaan ng magandang lahi," mayabang na sabi nito. Napailing nalang si Zyline. Iba talaga ang hangin ng mga Dela Cruz. Damang-dama niya kay Hunter, eh.

Hindi maikakaila ni Zyline na may talent din talaga si Hunter sa pagguhit. Maybe that was si Architect side, showing. Kung bakit kasi hindi nito ituloy ang gusto. Bagay naman dito, eh. Architect Hunter Dela Cruz. Ang gwapo pa ng dating.

"Hun, bukas daw 'yung pagsusukat para sa mga damit, sabi ni Cyan," untag ni Zyline kay Hunter na abala sa pagguhit ng kung ano.

"Okay," sabi nito sakanya. She rolled her eyes. Kanina pa ito nakasandal at may kung anong ginagawa sa sketchpad niya. Hinayaan nalang niya kesa naman inisin lang siya nito dahil sa pink na trip niya sa buhay.

Si Cyan ang napili niyang gagawa ng gown niya at ng mga susuotin pa ng iba. Wala silang magiging problema ni Cyan dahil alam naman nito kung ano ang gusto niya at ang ayaw niya.

Hunter's Temptation Kde žijí příběhy. Začni objevovat