Chapter 16

500K 10.1K 1.2K
                                    

Sept. 19 & 20 ako nasa MIBF. :)

--

"What do you mean you're buying my condo, Kuya? Are you serious?"

Napaangat ang ulo ni Hunter sa kapatid nang magsalita ito. That day was actually a rare moment for them. Simula kasi nang umalis si Mika sa bahay nila nang magising si Kerko, hindi na nila nakakasama ito. Minsan nalang talaga.

Which was fine with him. Ang ingay kaya ni Mika. Lahat nalang pinoproblema. Ang arte pa. But he love his sister nevertheless. He's willing to wring someone's neck in case his sister will get hurt once again.

"Miki, we're eating, baby. Mamaya na 'yan..." Thunder told her. Tinignan lang ni Mika ng masama si Hunter bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi nalang din siya kumibo but he saw Thunder's suspicious eyes. Ba't ba ang baliw ng mga kapatid niya?

Kung minsan, naiisip nalang ni Hunter na siya lang talaga ang matino sa kanilang tatlo, eh. But of course, their side will be different if someone will ask them.

Like the usual, their mom's out of the country again. Hinahayaan nalang nila dahil iyon naman ang kaligayahan nito simula nang mamatay ang daddy nila ilang araw matapos maaksidente sila Mika almost 2 years ago.

Another reason for him to abhor Kerko.

Nagpaalam sakanya ang mommy niya kinaumagahan nang natulog siya sa bahay ni Zyline. Inaaya siya nito na sumama sa Brazil, pero wala siyang balak umalis ngayon kaya tinanggihan niya ito.

He's happy here. Bakit naman siya aalis?

Pagkatapos na pagkatapos nilang kumain, inungkat na naman ni Mika ang topic. She really couldn't just stay still and be quiet. Kahit papaano tuloy ay napabilib si Hunter kay Kerko. Imagine, natatagalan niya ang ingay nito? Fuck love. Kahit mabasag ata ang ear drums 'non, dahil sa pagmamahal sa kapatid niya, magtitiis, eh.

Ayaw pa naman ni Hunter sa babaeng maingay at clingy.

But then again, Zyline's the only exception. Hindi din niya alam kung bakit niya natitiis ang pag-iingay 'non.

"Hey, bakit mo nga bibilhin kasi? Ano, trip mo na din ang purple?" nakasimangot na tanong ni Mika sakanya.

He arched his brow. "Ang ingay mo."

"Because your mind is so fucked up, you know that?" mataray na tanong ni Mika sakanya. "I really don't know if you are normal or not. Oh, fuck!"

Provoke her and she'll show you that she's a Dela Cruz. Great. Napailing nalang si Hunter.

"Stop cussing, Mikaela Michelle..." ani Thunder dito na karga-karga si Theon.

"Si Kuya Hunter kasi!" she snarled at him.

Ano bang ginawa niya dito? He just said he's going to buy that condo and now, she's being paranoid again.

Sumandal siya sa sofa at ipinikit ang mata. He's tired. It has been two days since that night pero malinaw pa din sakanya ang nangyari.

Walang nangyari sa kanila.

Gusto niya lang talagang asarin si Zyline because her expressions were priceless kaya nakitulog lang talaga siya sa bahay nito.

Pero nakaka-tangina kasi. Nagsisisi tuloy siyang walang nangyari. Dalawang araw na din silang hindi nagkikita ni Zyline dahil sa bahay ng mga magulang ng dalaga ito nakatira ngayon.

Blue asked her to live there for the meantime. Hindi tuloy mapigilan ni Hunter na mainis sa kaibigan ng kapatid niya.

"Kuya..." his sister called him again. Dumilat siya at nilingon niya ito. "Ano bang problema mo?" he asked.

Hunter's Temptation Où les histoires vivent. Découvrez maintenant