Chapter 11

544K 9.1K 643
                                    

Ang gwapo ni Richard Hwan ng PBB. <3 OMGGGG.

--

"Ma'am Zyline, pinabibigay po ni Sir. Kumain ka daw po muna."

Napatigil si Zyline sa ginagawa nang may naglapag ng pagkain sa tabi niya. Napalingon siya sa staff niya na nagbigay sakanya noon. Alam na niya kung kanino galing iyon.

"Kukuha ako ng pagkain kung gutom ako." Hindi gusto ni Zyline na magtaray dito pero hindi niya mapigilan. Alam niyang wala itong kasalanan sakanya, pero naiinis siya dahil siya ang boss ng mga ito pero lagi nalang kay Hunter nakadikit ang mga ito. Bakit ba kasi ang papansin ni Hunter?

Papansin ito sa paraang siya lang ang nakakapansin at mas naiinis siya dahil doon.

Sa ilang araw na nakalipas na pag-aayos nila ng condo ng kapatid nito, hindi iilang beses itong nagpapansin sakanya. Sa tuwing naroon si Hunter, lagi nalang itong nakahubad! Lagi nalang nitong inihahantad ang katawan sa harap niya at ng mga staffs niya.

At nabubwisit naman lalo si Zyline dahil ang mga babaeng staff niya na kasama nila'y hindi maitago ang kilig sa binata. Kulang nalang ay magprisinta ang mga ito na punasan ang pawis ng binata.

Mukha namang enjoy na enjoy si gago sa atensyong nakukuha niya. Hindi man lang marunong magfilter ng pagngiti.

Hanggang pagngiti, napaghahalataang may balak na masama.

Nakayukong umalis ang staff niya sa tabi niya, bitbit nito ang pagkaing dinala para sakanya. She'll just say sorry to him later. Hindi naman siya ganoon kasama sa staffs niya. Sa totoo nga'y kaibigan ang turing niya sa mga ito. Nakikipagbiruan din siya pero laging may limitasyon. Ayaw niyang mawawala ang respeto nito sakanya.

Naiirita lang talaga siya kay Hunter kaya ganoon.

"You're mean..."

Hindi na niya kailangan lingunin ang nagsalita. Boses at amoy pa lang, alam na niyang si Hunter iyon. Kumbaga may sariling dating si Hunter sakanya.

Seriously, ilang lalaki lang ba ang may kakayahang patayuin ang balahibo ng mga babae sa pagsasalita lang? She's so sure, Hunter's one of them. Malamang ay na-master na nito iyon. It's a requirement for a beast like him. Sa dami ba naman ng babae na nagdaan sa buhay at kama ni Hunter, alam na alam na nito kung paano gagamitin ang katawan, maging ang boses para mapansin ng babae.

At kailangan niya pang tatagan ang sarili para huwag bumigay dito.

She likes him.

Pero like pa lang naman. Kaya pang pigilan. Kaya pang pahintuin. Iniisip ni Zyline na kaya pa.

Pero kung lagi namang nakahubad si Hunter sa harap niya, parang napakahirap na din magpigil.

Kaya kailangan niyang magsungit dito. Kailangan niyang magpanggap na wala lang ang lahat. In that way, iniisip ni Zyline na mapoprotektahan niya ang sarili niya.

She needs to protect herself. She doesn't want to feel that pain again. 'Yung halos wala na siyang ibang naramdaman kundi sakit. Falling in love with a playboy will just give you a tower of problems. Ano pa kaya kung kay Hunter siya mai-in love? Baka limang pinagpatong na Statue of Liberty ang maging taas ng problema niya.

Hindi nalang niya pinansin ito. Pinilit niyang ignorahin pero nakakainis naman kasi na amoy na amoy niya ang pabango ni Hunter. Ang manly... ang sexy. Bagay na bagay sakanya.

"Zyline..." he called her. She shut her eyes hard and sighed deeply.

Kalma lang, Zyline.

"I know we do have a rough start..." he said after a minute. "You hate me, I don't actually care if everyone will hate me. Ang dami namang babaeng gustong mapansin ko, eh."

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now