Chapter 47

427K 9.7K 1.1K
                                    

Facebook group: Vampiremims Stories

--

Tahimik lang si Zyline habang nagmamaneho si Hunter. Nakasimangot siya habang nakatitig sa labas ng sasakyan. Ibinaba niya ang bintana kaya naman humahalik sa pisngi ni Zyline ang malamig na hangin.

Huminga siya ng malalim. Kanina pa niya sinusubukan na makiusap kay Hunter na kung pwedeng tumawag kay Cyan para alamin ang lagay ng kambal... at ibilin ito... para na din sabihin na kinidnap siya ni Hunter. Pero tinawanan lang siya ni Hunter. Hindi naman daw kidnapping ang naganap dahil walang pwersahang naganap.

"Gumagawa ka ng music video?" basag ni Hunter sa katahimkan. Matalim na tinitigan ni Zyline si Hunter.

"Oh, para mas dama mo..." he pushed a button and something played on the stereo and grinned.

Lego House.

"Nang-aasar ka ba talaga?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Zyline sa lalaki. Hindi mawala-wala ang mapaglarong ngiti sa mukha ni Hunter.

"Hindi. Nanliligaw lang..." ngumisi itong muli bago siya kinindatan. Zyline rolled her eyes. Humalukipkip siya at muling ibinaling ang mata sa labas. Halos wala din naman siyang makita dahil madilim na ang paligid. Pero mas pipiliin ni Zyline na doon nalang ibaling ang atensyon kaysa sa lalaking ngiting-ngiti na katabi niya.

Napapitlag si Zyline nang dumampi ang kamay ni Hunter sa legs niya.

"Ooops, sorry. Sumobra..." ani Hunter bago hinawakan ang kambyo ng sasakyan.

"Pervert," Zyline hissed before crossing her legs.

"A fucking sexy pervert, asawa ko..." sagot naman ni Hunter habang nakangiti sakanya.

Hindi nalang kumibo si Zyline. Wala din naman siyang napapala sa pakikipagsagutan kay Hunter.

Nakasandal lang si Zyline at tanging boses lang na nanggagaling sa speaker ang naririnig niya.

I'm out of touch, I'm out of love.
I'll pick you up when you're getting down and out of all these things I've done, I think I love you better now...
I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done I think I love you better now, now...

"Can you please shut up?" singhal niya kay Hunter nang sabayan nito ang kanta. Tila bingi naman ito at nakangiti pang mas nilakasan ang boses niya.

Napapailing nalang na muling sumandal si Zyline sa upuan niya at di na maipinta ang mukha na tumingin sa labas.

I'm out of touch, I'm out of love. I'll pick you up when you're getting down. And out of all these things I've done I will love you better now...

Ipinikit ni Zyline ang mga mata at huminga ng malalim.

"I love you, Zyline... and there's no one else..." narinig niyang sabi ni Hunter nang matapos ang kanta. Naramdaman din niya ang paghinto ng sasakyan ni Hunter. Hindi siya nagmulat ng mata pero naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. Damang-dama ni Zyline ang init ng katawan ni Hunter at amoy na amoy niya ang pabango nitong paborito niyang ginagamit nito. "This time, I won't let you go again..." bulong nito sakanya. Idinikit ni Hunter ang ulo sa gilid ng ulo niya bago muling dinampian siya ng halik at umayos ng upo.

Naramdaman niya nang muling paandarin ng lalaki ang sasakyan. Hindi na din ito nagpatugtog ng alinmang awitin. Tuluyan nang inantok si Zyline nang iduyan siya ng malamig na tinig ni Hunter nang muli itong kumanta habang nagmamaneho ito.

Sa pagmulat ng mata ni Zyline isang pamilyar na kwarto ang sumalubong sakanya. Madilim sa loon niyon at tanging liwanag galing sa buwan lamang na sumusungaw sa bintana ang nagsisilbing ilaw niya. Umupo siya at sinubukang pagmasdan ang paligid. Pinaliit niya ang mata para tuluyang makapag-adjust ang mga ito sa dilim ng paligid.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now