Chapter 13

564K 10.5K 1.5K
                                    

Si Hunter ang naghatid kay Zyline pauwi sa bahay niya. Sinabi din nito sakanya na may inutusan na ito para dalhin ang sasakyan niya sa condo niya dahil iniwan niya ang sasakyan niya.

Hindi siya nagsalita habang nasa biyahe silang dalawa ni Hunter. She didn't know what to say. Minabuti nalang niyang huwag nalang magsalita dahil unang una sa lahat, hindi naman niya alam kung ano ba ang sasabihin niya dito. Hindi niya alam kung anong dapat nilang pag-usapan dahil matapos nitong sabihin na hindi siya nito pakakawalan, hindi naman na nagkomento muli si Hunter doon. Hindi niya malaman kung seseryosohin ba niya ang sinabi nito o hindi.

Hunter looked at her and she heard him laughed softly. "You're scared?" Hinawakan ni Hunter ang hita niya at nahigit niya ang hininga niya nang pisilin ni Hunter ito.

"Chill, my lady. I won't eat you," he grinned. "Unless you want me to..."

She closed her eyes as she tried to calm herself. Simpleng hawak lang ni Hunter, naaapektuhan na siya. Bakit ba nagkaganoon nalang bigla ang sitwasyon? The last time she checked, she just like him... bakit ngayon, tila naman sobra ang nagiging epekto sakanya ni Hunter? She's scared, yes. Pero at the back of her mind, naiisip niya na kung paiiralin niya ang takot na sumubok, paano siya sasaya?

But being with Hunter won't be as easy as 123 or ABC. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Maraming paniniwala si Hunter na kailangan niyang patunayang mali. She might get hurt, too. Pero walang nagmahal na hindi nasaktan.

"What's your plan about Mika's condo?" she said in a calmest voice she could muster. Napakahirap kumalma kung ang kamay ni Hunter ay hinahaplos ang hita niya pataas! Hindi ba ito nadidistract sa pagmamaneho nito? O sanay lang talaga itong manghalay ng babae habang nagmamaneho? She couldn't help to grimace.

Nagtatayuan ang balahibo niya sa buong katawan dahil sa ginagawa nito. Gusto tuloy niyang mainis kay Bobbie na short shorts ang dala nitong damit niya he could've brought her jeans or something long. And she needed to call him, too. Ayaw niyang magkasira sila ng kaibigan. Alam niyang may tampo ito sakanya. Maybe because she didn't call him, but hell! Paano naman siya makakatawag kung kasalukuyan silang gumagawa ng milagro ni Hunter?

"I haven't talked to her..." he said. "Kasama niya si Kerko, diba? You know my sister. She'll forget everything when she's with that guy." Napailing nalang ito. Isang kamay lang ang gamit nito sa pagmamaneho dahil abala nga ang kamay nitong damhin ang hita niya.

"She's in love, Hunter. Natural sa babae 'yon. When we're in love, we're in love. Wala kaming ibang nakikita maliban sa lalaking mahal namin at--"

"And the get hurt in the end?" putol nito sa sinasabi niya. Hindi mapigilan ni Zyline mapakunot ang noo.

Bakit ba laging dulo na ang iniisip ni Hunter? Was he scared to commit because of that thought? Kasi iniisip nito na masasaktan lang siya? That's bullcrap. Like what she said, walang taong nagmahal ang hindi nasaktan.

She's scared, too. Pero nandito siya, nagtake ng risk. Because in her mind, this will all be worth it.

"Hunter, love comes with pain and--"

"And that pain makes everyone around me miserable, Zyline." Tumingin ito sakanya. Bigla siyang nakaramdam ng lamig sa tingin ni Hunter. "So, no. I don't believe in that crap. Don't get me wrong I do love my family, but romantic way of love? No, thank you. I am fine."

Tinanggal nito ang kamay sa hita niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. She didn't know his story. Was he hurt before? Pero paano siyang masasaktan, he was the one who stole his brother's girl. Inagaw ni Hunter ang girlfriend noon ni Thunder, that makes him the black sheep. That makes him the bad guy.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now